• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RICHARD YAP, excited nang magtrabaho sa Kapuso network

It seems handang-handa na si bagong Kapuso actor Richard Yap sa pagtatrabaho para sa kanyang first ever Kapuso show.  First time ni Richard na gaganap sa isang guest role sa well-loved comedy anthology na “Dear Uge.” 

 

Inamin ni Richard na ngayong nakapirma na siya ng exclusive contract sa GMA -7, he is grateful na sa gitna ng pandemic na pinagdadaanan natin ngayon, ang daming ibang stations na letting go people, maraming taong nawawalaan ng  trabaho, kaya he’s so lucky raw na in-accept siya to be part of GMA Network.

 

Kaya labis ang pasasalamat ni Richard na pinayagan siyang sumubok sa ibang genres, kaysa doon sa nakasanayan na niyang gawin sa dating network.  Kaya ita-try naman niya ngayon ang magpatawa at kumanta.

 

“Napapanood ko pa lamang ang mga comedians na sina Boobay at Super Tekla sa kanilang comedy show, para bang dapat may extra effort akong gagawin para masabayan ko man lamang ang dalawang komedyante.  At salamat din na pinagbigyan nila akong bigyan ng guest role sa “Dear Uge,” dahil kaibigan ko si Eugene Domingo at sana masabayan ko man lamang ang husay niya” sa pagpapatawa.”

 

*****

 

Marami nang nai-excite na makita ang muling magkikita sina Lilian (Katrina Halili) at Jaime (Wendell Ramos) sa Afternoon drama series na “Prima Donna.”  Pero paano iyon, civilly  wed na sina Kendra (Aiko Melendez) at Jaime, pero magkakarooon daw ito ng malaking kasalan, dahil hindi  papayag si Donya Claveria na hindi engrande an kasalan ng kanyang unico hijo.

 

Hanggang January, 2021 pa mapapanood ang “Prima Donnas” na dinidirek ni Ms. Gina Alajar, at lahat na gustong makitang makabalik ang mga teens na kasama sa story. Na binawalan sila dahil sa age limit na hindi pa pwede sila mag-appear.

 

Pero may pasabog na pinakahihintay ang mga televiewers ngayong weekend.  Ikatutuwa kaya ito ng mga Solid Lilian Fans at ikainis naman ng mga fans ni Kendra at ng anak niyang si Brianna?  Ito nab a ang pinahihintay na big reveal mula kay Lilian?

 

*****

 

Isa pang exciting na finale ang pinakahihintay sa “Magkaagaw” na nagtatampok kina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales.  Sa direksyon naman ito ni Ms. Gina Alajar.  Sino ang mananalo sa pagitan nina Klea at Jeric?  Marami nang naghihintay dito dahil gusto rin nilang malaman kung mananalo ba ang masama kaysa mabuti?

 

*****

 

Actually, pare-parehong kaabang-abang ang mga afternoon teleserye na “Bilangin Ang Bituin sa Langit, at ang mga GMA Telebaba, isa na rito ng pinag-uusapang “Love of my Life” nina Carla Abellana, Coney Reyes, Rhian Ramos, Mikael Daez na malapit na ring magtapos ag seryeng ito. (NORA CALDERON)

 

Other News
  • MAGKAPATID NA OPISYAL INARESTO SA PASTILLAS SCAM

    INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng ahensya at kapatid nito na personnel naman ng Bureau of Immigration (BI) sa alegasyon ng pagkakasangkot sa manipulasyon at pangingikil sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa pastillas scam.   Nabatid na inaresto ng NBI Special Action Unit  ang hepe ng NBI Legal Assistance Section […]

  • 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos, naisabatas na

    NAISABATAS na ang 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katatapos lamang na pagpupulong ng ika-apat na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 19.       Kabilang naman sa mga priority bills na […]

  • PNP pinagbabawalan na ang pulis na may nakalantad na tattoo

    NAGLABAS Philippine National Police (PNP) ukol sa pagkakaroon ng mga tattoo ng mga personnel, applicants at maging ang mga kadete sa akademiya.     Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, na lamang ng PNP Memo 2024-023 na dapat magsumite ng affidavit na kanilang tatanggalin ang mga tattoo ng mga personnel na nakalantad.     […]