• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ELLEN, tinawag na ‘ingrata’ ng netizens at pinalalayas na sa ‘Pinas dahil sa planong mag-file ng kaso

NEGA nga sa netizens ang balitang diumano’y planong mag-file ng legal complaints ni Ellen Adarna sa production ng John en Ellen kunsaan, naging show niya sa TV5.

 

 

Pagkatapos ng walk-out issue, heto’t mali raw ang ginawang pagsu-swab sa kanya kaya siya nag-false positive, pati ang P.A. niya. Na-trauma at hindi rin daw nakita ni Ellen ang anak ng mahigit 20 days na lumabas sa pep.ph.

 

 

Bukod dito, irereklamo rin daw ni Ellen sa IATF sa hindi pagsunod sa social distancing, though, wala raw detalye na nabanggit si Ellen.

 

 

Hindi positibo ang naging pagtanggap ng netizens isyung ito o diumano’y planong action daw agains the production ng fiancée ni Derek Ramsay.

 

 

Tinawag na “ingrata” si Ellen ng ilang netizens.

 

 

Sabi ng mga netizen, “Wag ka na sanang magka-project! ‘Di ka na naawa sa mga staff and crew na naghirap para lang maitawid ‘yung palabas.”

 

 

“Jusko Ellen at Derek, simulan nyo na magbalot-balot at lumayas na kayo sa pinas. Doon na kayo tumira sa antartica. Magsama kayo ng mga penguin at polar bear.”

 

 

     “Naku nag-aattitude, sexy at maganda ka lang, hindi ka naman magaling umarte.”

 

 

“Sana wag na siyang mag-artista, pati mga kasamahan niya apektado sa ginagawa niya.”

 

 

    “Ingrata porke’t ‘di mo na itutuloy ang ibang episode, ilalaglag mo na programa nyo.”

 

 

Naku, ang masasabi lang namin, there’s always two sides of the coin. Sana maglabas din ng statement ang production kung ano talaga ang totoo o hindi sa naglalabasan.

 

 

Sa isang banda lang, mukhang hindi yata pang-sitcom si Ellen considering na ‘yung huling sitcom niya, ang Home Sweetie Home, controversial din nang mawala siya kasama ang ex na si John Lloyd Cruz, now na comeback niya ang John en Ellen, may isyu na naman.

 

 

***

 

 

‘CAPTAIN Barbie’ talaga ang title ng Daig Kayo ng Lola Ko simula ngayong Linggo dahil plakado at tailored made talaga for Barbie Forteza ang role.

 

 

At first time raw niyang gumanap na superhero.

 

 

Sabi nga niya, “Siguro ‘yung mga heavy drama na ginagawa ko dati, ‘yung mga mime-memorize ko ‘yung mga mahahabang lines. Dito, ang mine-memorize ko ‘yung mga fight scenes. Wala akong masyadong lines ngayon dito, basta kapag may masama, nando’n si Captain Barbie. 

 

 

“And super na-enjoy ko ang buong experience. At feel na feel ko talaga ang pagiging superhero everytime na naka-costume ako. Kitang-kita mo ang pagka-pink. Pero, very empowering din siya, napaka-sweet pero lahat ng nakalagay sa aking accessories may power.”

 

 

Tinanong din si Barbie kung hindi raw ba nagre-react ang boyfriend na si Jak Roberto kapag medyo sexy masyado ang suot niya, lalo na kapag nagti-Tiktok video siya.

 

 

At naalala nga ni Barbie na may pinost daw siyang naka-animal print ang suot niya, hindi raw ito napanood ni Jak until kailan lang, sinita raw siya nito at sinabing bakit gano’n ang suot niya, sabi raw ni Jak, sana ay nag-two-piece na lang siya.

 

 

Sinagot niya raw ang boyfriend na, “Napaka-OA mo naman. Wala namang nakita. Kita ang tiyan, kita ang braso, pero hindi naman revealing. Fit lang ang damit pero hindi naman revealing. May mga gano’n siya, concern siya minsan pagdating sa pananamit ko.”

 

 

Hindi naman daw istrikto si Jak dahil alam din naman daw nito na hindi niya ilalagay sa alanganin ang sarili ko.

 

 

“Siyempre as a boyfriend, cute siya, pero hindi naman nakakainis.”

 

 

***

 

 

MALAKING bentahe na agad para sa anak ng Mayor ng Mandaluyong na si Maria Corazon Abalos ang pag-promote sa kanya ni Kris Aquino bilang bet nito sa Miss Universe Philippines.

 

 

Isa rin sa makakalaban ng bet ni Kris ay si Kisses Delavin na pagdating sa social media at fan votes, noon pa man ay subok na ang kanyang mga Kissables fans na masisipag, so, ‘eto ngayon, ang isa sa kilalang influencer naman talaga, even before na mauso ang salitang influencer sa socmed ay may ibinabalandrang candidate niya at ipinost pa ang mechanics kung paano iboboto ng netizens si Ms. Mandaluyong.

 

 

Sey ni Kris sa kanyang Instagram account, “I don’t do this for just anybody- but when her full name is Maria Corazon (exactly like my mom’s) and our relationship with her family goes all the way back pre Edsa Revolution, plus her grandparents share the same initials as my dad (BSA) and my mom (CCA), then obviously alam nyo na CORINNE ABALOS has my full support for Ms. Universe Philippines. 

 

 

“I have never been afraid to make my choices known and since we do live in a democracy pwede kayong mag disagree with me, but Corinne is a worthy candidate, educated in Poveda and she graduated from DLSU in 2019 with a degree in AB International Studies Major in European Studies. Definitely, hindi tayo mapapahiya sa Q&A.
     “To all my friends & followers, I hope you give her a chance? #lovelovelove.”

(ROSE GARCIA)  

Other News
  • Tom Cruise’s Return as Pete “Maverick” Mitchell and His Daredevil Attitude

    A brand new Top Gun: Maverick trailer highlights Tom Cruise’s return as Pete “Maverick” Mitchell.     With less than a week to go before the Joseph Kosinski blockbuster hits theaters, Paramount is continuing its marketing efforts to keep the hype going until the Top Gun sequel premiere.     In a new promotional spot, […]

  • Leody de Guzman, Sen. Sotto, nag-concede na

    NAGPAHAYAG na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman.     Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin.     Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa.     Samantala, nag-concede na rin si vice […]

  • Klase, trabaho sa gobyerno suspendido sa Okt. 31 – Palasyo

    SINUSPINDE na ng Malakanyang ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Oktubre 31, araw ng Huwebes.     Sa memorandum circular no. 67 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, mula alas-12 ng tanghali ng Oktubre 31 ay suspendido na ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat […]