PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, DAPAT GOV’T-TO-GOV’T TRANSACTION – DUTERTE
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang government-to-government transaction sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 mula sa China.
Ang katwiran ng Pangulo, mas bukas kasi ang korapsyon kapag nakipag-deal sa private entities.
“Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped address, araw ng Martes.
“Hindi kami manghihingi, we will pay. Sana government-to- government ang transaction, walang corruption,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, mayroon ng inilaan ang pamahalaan na P2.5 bilyong piso para bumili ng vaccines laban sa COVID-19, subalit sinabi ng Department of Health na ang halagang ito ay kapos ng P10.5 billion.
Gayunman, sinabi ng Chief Executive na mayroon siyang “full confidence” na matutulungan ng Chinese government ang Pilipinas pagdating sa bakuna laban sa COVID-19.
“I believe in Chinese expertise and knowledge. Hindi ako nagkamali, meron na sila,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.
“I had a meeting with the [Chinese] ambassador [to the Philippines], he said the vaccine is there. It is a matter of kung paano i- distribute, and what kind of transaction it would be for them and for us,” dagdag na pahayag nito.
Aniya pa, sa ngayon, tanging ang Sinovac vaccine ng China ang may malinaw at dumaan sa masusing pagsisiyasat ng Vaccine Experts Panel (VEP) ng Pilipinas.
Iyon nga lamang, kailangan pa rin na makakuha ang Sinovac ng approval mula sa Ethics Board bago pa ito makapag-aplay para sa Food and Drug Administration (FDA) clearance para sa clinical trial sa Pilipinas.
Ang VEP ang nagrerebisa ng Phases 1 at 2 ng clinical trials ng mga kandidatong bakuna habang ang Ethics Board naman ang nage-evaluate sa pagpili para sa mga magpapartisipa para sa clinical trials, “among other safe- guards that the vaccine manufacturer provided for the partici- pants.” (Daris Jose)
-
Kung kailan pa nagka-edad saka pa napasabak: JOKO, walang kiyeme sa mga daring scenes nila ni AYANNA
KUNG kailan pa nagka-edad ang dating action star na si Joko Diaz ay saka pa siya napasabak sa matitinding love scenes tulad na ginawa niya sa Siklo at ngayon naman sa bagong sexy-psycho-thriller movie ng Viva Films na Kinsenas, Katapusan. Base sa trailer ng pelikula, wala ngang kiyeme si Joko na daring scenes […]
-
Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine
NAGHAHANDA na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm […]
-
Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel
KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19. Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute. Tinatayang nasa, […]