• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EMERGENCY CASH LANES sa TOLLWAYS PANATILIHIN HANGGA’T WALA PANG INTER-OPERABILITY ang AUTOSWEEP at EASYTRIP

Malapit na ang deadline ng DOTr at TRB sa cash transaction sa mga tollways pero marami pa ring problema sa RFID ang nararanasan ng mga motorista. Hindi pa rin masiguro kung mapag-iisa ang sistema ng Autosweep at Easytrip at ‘baka’ sa June 2021 pa raw ito pero ‘kung’ makikipag-cooperate ang dalawang malalaking negosyo na Autosweep at Easytrip. Kaya ang panawagan ng mga mambabatas ay panatilihin muna na magkaroon ng cash lanes sa mga tollgate.

 

Sangayon dito ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) – hindi kami tutol sa RFID system pero dapat may option ang mga motorista sa mga emergency cases o para sa mga bihira naman dumaan sa tollways. Halimbawa ang mga taxi.

 

Pagpalagay mo na may RFID sticker sila. Pero naubos ang load. May pasaherong sakay na ang destinasyon ay sa tollgate ang daan –magpapaload ba agad ang taxi driver o pasahero.

 

At saan sila papaload? Maghahanap pa ng loading station? Sa mga emergency cases naman. Kung bihira ka naman dumaan sa tollgate lalo na yun mga taga probinsya na luluwas isa o dalawang beses isang taon di ba pwedeng cash transaction na lang sila?

 

Pero baka raw magkahawaan ng Covid19 pag cash transaction? Nilinaw ng World Health Organization na walang specific research na nagpapatunay nito.  Sabi ng WHO Spokesperson Fadela Chaib – “We did not say that cash was transmitting coronavirus”. Pero ipagpalagay mo na, di ba pwede maglagay ng payment tray o lagayan ng bayad at sukli – tulad sa mga drive-thru ng mga fastfood restaurants – ang mga operator ng tollways. Hindi naman siguro sila gagastos ng milyon-milyon para dito.

 

Sana ay pagbigyan ng Dotr at TRB ang pananatili ng emergency cash lanes sa mga tollways para may option ang mga motorista hanggat hindi pa nila naaayos ang inter-operability ng dalawang concessionaires at hindi pa nahaharap at nabibigyang sagot ang mga reklamo ng mga motorista sa loading, barrier at installation.

 

Wala naman sigurong mawawalang kita ang mga malaking negosyante kung may emergency cash lanes? O may mawawalan nga ba? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Ads October 11, 2022

  • Ads July 18, 2023

  • PH, Malaysian foreign ministries, pag-uusapan ang Sabah-PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-uusapan ng foreign ministries ng Pilipinas at  Malaysia ang isyu ng  Sabah kasunod ng naging pagbisita sa bansa ni Prime Minister Anwar Ibrahim.  Tiniyak ng Pangulo na masinsinan ang magiging pag-uusap sa nasabing isyu. “Napag-usapan din namin yung isyu ng Sabah, alam niyo naman mayroon tayong claim diyan […]