• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Employers walang takas sa 13th month pay, business permit kakanselahin

KAKANSELAHIN ang business permit ng isang employer sakaling mapatunayang nabigo itong ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

 

Ito’y kapag naisabatas ang inihaing panukala nina ACT-CIS party-list Reps. Eric Yap, Jocelyn Tulfo at Niña Taduran.
Pangunahing layunin ng House Bill 6272 na paghusayin pa ang 13th month pay compliance sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay ng mga kinauukulang ahensiya bilang bahagi ng business permit process.

 

Sa HB 6272, ang Department of Labor regional offices ay bibigyan ng mandatong repasuhin ang 13th month pay compliance report at oras na mapatunayang may kakulangan ay kakanselahin ang business permit. Ngunit bago kanselahin ay bibigyan muna ng limang araw ang aplikante para ituwid ito.

 

“Pinapaganda natin ang sistema. Kapag ‘di nagbabayad ng 13th month pay, kanselado ang business permit. Parehong may kopya ang DOLE ng compliance report kaya malalaman nila kung sino ang masunurin sa batas at sino ang hindi,” ayon kay Tulfo.

 

Samantala ang mga problemado namang employers bagama’t exempted sa 13th month pay, kailangan pa ring dumaan sa proseso upang makakuha ng exemption.

 

Ayon sa kongresista, binibigyan lamang ng panukala ang kahalagahan na ibigay ang nararapat para sa mga empleyado at maparusahan naman ang mga employer na bigong tupdin ang kanilang obligasyon ukol sa pagbibigay ng mandatory benefit.

 

Sa panukala, nakasaad na lahat ng rank-and-file employee o domestic worker na umabot na ng isang buwan ang pagtatrabaho ay may karapatan nang tumanggap ng 13th month anumang klaseng trabaho at kung paanong paraan pinapasahod.

 

Maging ang rank-and-file employee at domestic worker na nagretiro o umalis na sa trabaho ngunit nakapagtrabaho ng isang buwan ay may karapatan na ring tumanggap ng 13th month pay katumbas ng haba ng oras ng kanyang trabaho sa loob ng taon o mula sa panahon na huling natanggap ang 13th month pay hanggang sa nagbitiw o inalis sa serbisyo.

 

“Thirteenth Month Pay shall not be credited as part of the regular wage of the employees for purposes of determining overtime and premium pay, fringe benefits, as well as premium contributions to the social security system, health insurance contribution, or any private welfare and retirement plans,” ayon pa sa panukala. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Luke 6:38

    Give, and it will be given to you.

  • Ads June 7, 2021

  • Mga nasasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon pumalo na sa 1-M – WHO

    NASA mahigit isang milyon na ang nasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon lamang.     Ayon sa World Health Organization (WHO), isang nakakalungkot na balita ito dahil sa may mga kaparaanan na sana para ito ay malabanan.     Mula ng ma-detect ang nasabing virus noong 2019 ay mayroon ng mahigit anim na milyon ang […]