PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.
Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte ang una nang naging arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno sa Kamara de Representante.
Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon ay nasa hanay ng mga miyembro ng Kongreso kasabay ng pagpapahayag ng pasubali na walang dahilan para mamagitan sa ngayon ang Presidente sa dalawang Kongresista.
“Wala po tayong kinalaman diyan bagama’t ang paghalal ng Speaker ay desisyon po iyan ng mga miyembro ng Kamara, so hindi po nanghihimasok diyan ang Presidente sa ngayon,” ayon kay Sec. Roque.
Magugunitang, nagkaroon ng term sharing agreement sina Cayetano at Velasco na pinagtibay ng dalawa bilang gentleman’s agreement.
Kung masusunod ang kasunduan ng dalawa, dapat maupo bilang bagong Speaker of the House si Velasco kapalit ni Cayetano sa darating na Oktubre 18. (Daris Jose)
-
Tokyo Olympics tuloy pa rin kahit wala pang bakuna sa COVID-19
MAGPAPATULOY pa rin ang Tokyo Olympics sa 2021 kahit wala pang bakuna laban sa coronavirus. Ayon kay International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach na walang magiging problema sa pagsagawa ng torneo kahit na wala pang bakuna. Inihalimbawa nito ang pagbabaik na ng Tour de France kung saan naging matagumpay ito ngayong taon. […]
-
Aminadong gumaan ang pakiramdam: POKWANG, masaya na lilisanin na ng dating asawa na si LEE ang ‘Pinas
MASAYANG ikinuwento ng Kapuso aktres at komedyanang si Pokwang na tuloy na tuloy na raw na lilisanin na ng dating asawang si Lee 0’ Brian. Sey pa ni Ms. P. na sa wakas daw ay lalayasin na ng ama ng anak niya ang bansang Pilipinas. “Well, at least gumaan ang loob ko at I’m so […]
-
LTO nakatutok rin sa holiday traffic
PINAGHAHANDAAN na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, na may mahigpit silang ugnayan sa mga iba’t ibang ahensiya para maityak na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila. Ilan sa mga pinakatutukan nila […]