• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Enhanced mandate’ para sa mga bakunado na vs COVID-19 ilalabas ng Metro Manila Council

Nakatakdang talakayin ng Metro Manila Council ang mga terms para sa “enhanced vaccination mandate” na magbibigay sa mga fully vaccinated nang indibidwal kontra COVID-19 ng mas maraming mobility at access privileges.

 

 

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, pinagsasama-sama pa nila ang mga polisiya mula sa iba’t ibang bansa na maari nilang gayahin at maipatupad sa National Capital Region kung saan ang COVID-19 reproduction number ay tumaas sa 4.05 at ang positivity rate naman ay pumalo na sa 28 percent.

 

 

Kaya naman target aniya ng mga Metro Manila mayors na i-maximize ang vaccination status ng mga tao gayong hindi naman lahat ay maaring pilitin na magpabakuna kontra COVID-19.

 

 

Noong Miyerkules, sinabi ni Abalos na inaprubahan ng Metro Manila Council ang resolusyon na bumunuo sa isang technical working group na siyang mangunguna sa pag-aaral kasama ang IATF. (Daris Jose)

Other News
  • May dalawang teleserye na dapat abangan: LEANDRO, ipinagmamalaki ang inukit sa kahoy na ‘Voltes V’

    ANG bongga naman nang inukit na Voltes V figure ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na pinost niya ang finish product sa kanyang Facebook na punum-puno ng detalye.     Ayon kay Leandro nasa 5’2” ang taas nasabing figure na pinagawa ng isang Voltes V collector, na humigit-kumulang ay dalawa’t kalahating buwan na […]

  • Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021

    TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.   “Ang ginawa […]

  • ‘Golden girl’ Hidilyn Diaz pabalik na ng PH, pasalubong ang ‘Olympic gold medal’

    Pabalik na ng Pilipinas si Hidilyn Diaz matapos ang matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics dala ang gold medal sa nilahukan na weightlifting competitions.     Sa ulat  mula sa Narita International Airport sa Japan, maliit lamang daw ang entourage ni Diaz kung saan kasama rin pabalik ang presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas na […]