• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC

SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.

 

“Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him to come in. He is a persona non grata,” ayon kay Enrile.

 

Nanawagan din si Enrile sa sambayanang filipino na ipagtanggol si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa mga kritiko na sumusuporta sa imbestigasyon ng ICC sa drug war ng administrasyon.

 

“Yung International Criminal Court na ‘yan, pinipilit nila na imbestigahin ang Presidente ng Pilipinas , they do not realize that he’s authorized by the Constitution to enforce the laws,” anito.

 

Aniya, ang highest elected official ng bansa ay maaari namang papanagutin sa pamamagitan ng impeachment, wala aniyang dahilan para umeksena pa ang ICC.

 

Sa halip, marapat lamang na magkapit-bisig ang mga filipino para protektahan si Pangulong Duterte bilang “symbol of statehood.”

 

“Tayong mga Pilipino puwede natin patikwasin ang Presidente natin, pero pag aapihin ng taga labas, ang Presidente ng Pilipinas, simbolo ng ating estado …we must all bond together to support him and throw out any foreigner who cast any doubt on the authority and nobility on our President,” anito.

 

Tila ginagamit ayon kay Enrile ng ICC ang mga kritiko ni Pangulong Duterte para isulong ang kanilang “political agenda.”

 

“Kung tayo’y talagang Pilipino, ipagtatanggol natin yung hinalal ng makapangyarihan na botante ng Pilipinas bilang hari natin. Huwag natin papayagan bastusin ng banyaga. …A slap on our President by others, from other countries is a slap on the Filipino people,” aniya pa rin.

 

Giit ni Enrile na ang mga sumusuporta sa ICC probe ay ” most likely communists.”

 

“Yang mga sumusuporta diyan sa mga ‘yan mga kaliwa na lumalaban sa uri ng gobyerno natin. E ang mga followers ni Karl Marx yang mga ‘yan, ni Lenin. Kung gusto nila maging komunista, di pumunta sila sa Russia, pumunta sila sa North Korea,” anito.

 

Aniya, ang communist type of government ay “impractical” sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • McGregor, ‘di na umaasang tuloy ang Pacquiao showdown

    Hindi na umano umaasa pa si MMA superstar Conor McGregor na matutuloy pa ang nilulutong laban sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.     Pahayag ito ni McGregor matapos itong masilat ni Dustin Poirier sa ikalawang round ng bakbakan nila sa UFC 257 na idinaos sa Abu Dhabi kahapon.     […]

  • Mahigit 400-M estudyante sa 23 bansa, apektado pa rin ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya – UNICEF

    TINATAYANG nasa 405 million na mga mag-aaral mula sa 23 mga bansa ang nananatiling apektado ng pagsasara ng mga paaralan nang dahil sa COVID-19 pandemic.     Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), nasa 23 mga bansa pa mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang hindi pa tuluyang […]

  • PNP, gagamit na ng body cams sa kanilang operasyon sa buwan ng Abril

    KAILANGAN na kumpleto ang gamit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na sa buwan ng Abril ngayong taon ay makagagamit na ang PNP ng body cams sa kanilang operasyon.   Layon nito na pahupain ang pangamba ng publiko kapag may mga taong napapatay sa police […]