• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Enrolled bill ng 2021 budget, inihahanda na para sa lagda ni Pangulong Duterte

Inihahanda na ng Kongreso ang enrolled bill para sa 2021 national budget.

 

Ito’y makaraang makalusot na ang P4.5 trillion budget sa paghimay ng bicameral conference committee at naratipikahan na rin sa Kamara at Senado.

 

Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, ihahanda na nila ang lahat ng kinakailangan para maihatid ang enrolled bill sa Malacanang, para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Kapag dumating ang kopya nito sa palasyo, hihimayin din iyon ng mga advisers ng presidente para sa iba pang konsiderasyon.

 

Target naman ng Pangulo na malagdaan ito bago matapos ang taong 2020.

 

Una nang sinabi ng chief executive na ayaw niyang magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon, lalo’t maraming paglalaanan ng pondo na kailangan ng agarang aksyon, kagaya ng pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 at iba pang mga proyekto.

Other News
  • Netflix Gives A Glimpse Of Fuffy And Fream’s Unusual Relationship In ‘My Amanda’

    IN her new film on Netflix, it looks like Alessandra de Rossi of Kita Kita and Through Night and Day will break our hearts once again.     Netflix finally unveiled the official trailer of My Amanda, giving us a glimpse of the chemistry between Alessandra de Rossi’s Amanda and Piolo Pascual’s TJ, best friends who are seemingly on […]

  • 4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust

    BAGSAK sa kalaboso ang apat na drug suspects, kabilang ang dalawang ginang matapos mabingwit ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na dakong alas-3:00 ng madaling araw […]

  • Rekomendasyon ng pribadong sektor na tiyakin ang food security, isinumite na kay PBBM

    NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC), araw ng Biyernes para talakayin ang rekomendasyon na naglalayong itaas ang local food production at suplay.     Nakasaad sa  kalatas na ipinalabas ng  Office of the President (OP) na kabilang dito ang “digital farming methods and strategies” para mapahusay ang  supply chain. […]