• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eric Bellinger, Inigo Pascual, Sam Concepcion, Moophs, Zee Avi, at Vince Nantes, nag-unite para sa ‘Rise’

NAGSIMULA na ang worldwide release ng “Rise” thru Tarsier Record s ng ABS-CBN noong Setyembre 18 na kung saan nag- unite ang ilang Asian artists para sa collaboration na ito.

 

Kinabibilangan ito nina Grammy Award-winning R&B artist Eric Bellinger, Filipino pop stars na sina Inigo Pascual at Sam Concepcion, Manila-based pro- ducer na si Moophs, Malaysian singer-songwriter na si Zee Avi, at Black Swan composer, Vince Nantes para sa awiting “Rise”.

 

“Ang buhay mismo ang pangunahing kwento na nag-in- spire sa akin sa pagsulat ng ‘RISE’,” sabi ni Vince na siyang sumulat ng kanta.

 

“From the pandemic to protests, to political differences, to unfair treatment to one another as human beings, it’s a lot for all of us to digest, and I wanted to give people something they can enjoy, emotionally connect to, and believe in,” sabi pa ng songwriter.

 

Sabi ni Mooph ang “Rise” ang pinakamalaking release ng Tarsier Records na may layuning maghatid para sa pagkakaisa laban sa kahirapan.

 

“This song is my answer to 2020. If we look past borders, politics, and skin color and resolve not to be divided, we can overcome anything this year throws at us,” pahayag ni Moophs.

 

Hirit naman ni Zee Avi, kumanta ng “Bitter Heart”, “is such a simple word, yet it’s something that we need to keep reminding ourselves of.”

 

Ang sabi ni Sam, “Dream come true para sa akin ang proyektong ganito kalaki at kahalaga. Naniniwala ako na dahil sa mga mang-aawit na bahagi ng kanta at unifying message nito, maaari itong mapakinggan sa buong mundo.”

 

May dalawang klase ng mu- sic video ang “Rise”, isang ani- mated na ipapakita ang pinagsama-samang singers bilang superheroes na lalabanan ang ‘2020 monster’ at isang kuwento ng mensahe ng pag-asa hatid ng influencers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

Ang Tarsier Records ay bahagi ng ABS-CBN Music na naglalayong ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at nagsisilbi ring gateway para sa international artists patungo sa Pilipinas.

 

Puwede ng i-pre-save ang “RISE” sa https://orcd.co/RISE- single at abangan ito sa iba’t ibang digital platforms. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • Disney’s Live-Action ‘Pinocchio’ Trailer Reveals the Wooden Boy / James Cameron’s Remastered Version of ‘Avatar’ Returns to Philippine Cinemas

    DISNEY’S live-action adaptation of Pinocchio has dropped a new trailer, and it finally gives us a good look at the iconic character from the classic Disney film.     Watch the new trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=hL5SSIRBatk     After Beauty and The Beast, Mulan, Lion King, and Aladdin, the beloved tale of Pinocchio is next to […]

  • Semis duel ng Cool Smashers at Flying Titans inaabangan

    NAKASENTRO ang atensyon ng lahat sa bakbakan ng Creamline at Choco Mu­­cho sa pagsisimula ng se­­mifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Con­ference bukas sa The Aren­a sa San Juan City.     Ang Cool Smashers at Flying Titans ang dalawa sa may pinakamaraming fans sa liga kaya’t asahan na ang blockbuster venue sa Game […]

  • Bukod sa pagkikita ng pamilya Hidalgo sa action-serye: SHARON, sinabihan si COCO na gumawa ng special episode dahil bitin ang loveteam nila ni JULIA

    THIS week, dalawang magkasunod na malungkot na post ni Megastar Sharon Cuneta sa IG account niya, na kung saan humihingi siya ng prayers para sa malapit na kaibigan at pamangkin na parehong may malubhang sakit, dahil hindi na kakayanin ng puso niya kung may susunod na mawawala uli.   Kaya masaya naman ang pinost niya, […]