• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Erolon pipirmi sa Falcons

TAPAT!

 

 

Mananatili sa pugad ng Adamson University ang AdU  High School Baby Falcon basketball player na si John Mathroven ‘Matty’ Erolon.

 

 

Nag-commit siyang sa AdU Soaring Falcons para lilipad para sa 84th University Athletic Association of the Philipines 2021-22.

 

 

Ito ay bilang pagganti ng utang na loob o pasasalamat sa kabutihan sa paghubog sa kanya ng eskuwelahan at koponan na maging basketbolista.

 

 

Kasalukuyang grade 12 senior high school na ang cage shooter at isinilang sa Dumaguete sa mahal na paaralan patungo sa pagpasok sa kolehiyo.

 

 

“Napagdesisyunan ko na mag-stay sa Adamson kasi malaki po ang utang na loob ko sa kanila,” bulalas Martes ng baller na pa-San Marcelino-based squad nagbuhat sa Asian College sa kanyang sinilangang lungsod noong 2019.

 

 

Nagtala ang 18-anyos ng 15.44 team-high points kasama ang 3.63 rebounds, 2.81 assists at 1.69 steals sa 82nd UAAP 2019-20 junior boys hoopfest. (REC)

Other News
  • Malakanyang, walang nakikitang dahilan para baguhin ang liderato ng DoH

    WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para baguhin ang liderato ng isang departamento habang nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.   Pinasaringan kasi ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DoH) gamit ang kanyang Twitter account.   “It is contrary to the basics of medicine to change leadership in the middle of the pandemic. I […]

  • 11 presidential, 9 VP bets pasok sa tentative list ng Comelec

    Mula sa 15 ay nasa 11 presidential at vice presidential aspirants na lang base sa inilabas na tentative list ng Commission on Elections’ (Comelec) para sa 2022 elections.     Ang presidential bets ay kinabibilangan nina Abella, Ernie; Arcega, Gerald; De Guzman, Leody; Domagoso, Isko Moreno; Gonzales, Norberto; Lacson, Ping; Mangondato, Faisal; Marcos, Bongbong; Montemayor, […]

  • Pagtanggal ng pagtuturo ng ‘mother tongue’ bilang asignatura, hindi pa pinal – Department of Education

    NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal ang pagtanggal ng pagtuturo ng mother tongue o sariling dialect bilang asignatura.     Ito ay dahil kasalukuyang nakabinbin pa ang paglalabas ng final curriculum para sa Kinder to Grade 10 (K-10) program.     Ginawa ni DepEd spokesperson Michael Poa ang naturang pahayag kasunod […]