Erram, 2 pa gigisahin ni Marcial
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
NASA kumukulong mantika ngayon sina TNT forward John Paul (Poy) Erram NLEX center Joseph Ronald (JR) Quiñahan at John Rodney Brondial ng Alaska Milk dahil sa technical at flagrant fouls na kinatalsik nila sa unang laro sa reopening ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.
Linggo nang ma-eject agad ang kaya pinatawag ni PBA commissioner Wilfrido Marcial. Pero hindi muna binunyag ng opisyal ang magiging parusa o multa sa dalawa habang hindi pa nakukuha ang mga panig ng isa’t- isa.
Maaga pa para pag-usapan aniya ang sanctions, ayon kay Marcial sa Philippine Sports- writers Association o PSA Forum webcast kamakalawa na mga hatid ng San Miguel Beer, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restau- rant, at PAGCOR, kasama ang Upstream Media bilang official webcast partner at pinalakas ng Smart.
Pinatalsik si Erram sa game dahil sa technical foul makaraan ang flagrant foul penalty 1 sa laro kontra Aces. Gayundin si Quinahan sa laban ng Road Warriors kontra Barangay Ginebra San Miguel. Naging maganda ang pasok niya sa ambag na 26 points sa 102-92 pagkalango ng Road Warriors sa Gin Kings.
Umiskor lang ng 4 pts., 8 boards at 6 assists si Erram sa pagpapadapa ng Tropang Gida sa Alaska Milk, 100-95. Nakalimang puntos at apat na rebound si Brondial. (REC)
-
QCinema International Film Festival, Accepts Entries for Short Film Competition
THE search is on for QCinema International Film Festival’s new batch of entries for its short film competition. Each chosen film will receive a production grant worth P350,000 with ownership of film rights. QCinema, which has been recently voted as the best local film festival in the country by local film reviewers and […]
-
PDu30, gusto nang tumakbo si Mayor Sara sa pagka-Pangulo sa 2022 elections
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-Pangulo sa 2022 elections. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang pigain ng media kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ngayon sa pagitan nina Pangulong Duterte at PDP-Laban chair, at ruling party’s acting […]
-
Mga otoridad sa China kinumpirmang walang nakaligtas sa 132 kataong lulan ng pampasaherong eroplano
KINUMPIRMA ng Civil Aviatioin Administration ng China na walang nakaligtas sa kabuuang 132 sakay ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa southern China. Sinabi ni Hu Zhenjiang, deputy director-general ng Civil Aviation Administration of China, lahat aniya ng 123 na pasahero at siyam na crew ang nasawi ng bumagsak ang flight MU5735 ng China […]