• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Escamis tinupad ang pangako kay Alcantara

TINUPAD ni guard Clint Escamis ang kanyang pa­ngako kay coach Randy Alcantara sa Final Four.

 

 

 

Matapos sibakin ang Lyceum of the Philippines University sa semifinals ay nangako ang 6-foot-1 star kay Alcantara na magkakampeon ang Mapua University sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

 

 

At tinupad ito ng 24-anyos na si Escamis.

 

 

Kumamada ang Finals MVP na si Escamis ng mga averages na 24.5 points, 4.0 assists at 4.0 steals para sa 2-0 sweep ng Cardinals sa College of St. Benilde Blazers sa kanilang best-of-three titular showdown para angkinin ang korona noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

“After namin manalo sa Lyceum, lumapit siya sa akin, niyakap niya ako at ang sabi niya sa akin, ‘Coach, hindi na natin ito pakakawalan.’ At ginawa niya. Tinupad niya,” sabi ng 52-anyos na si Alcantara kay Escamis.

 

 

Winakasan ng Mapua ang kanilang 33 taong pagkauhaw sa NCAA crown na huli nilang nakamit noong 1991 matapos ang game-winning shot ni Benny Cheng sa Game Three laban sa San Beda.

 

 

“Ang dami na na­ming pinagdaanan talaga. Nanalo kami nu’ng high school, nag-rebuild, tapos nakapag-championship kami, natalo kami when we were one win away from the title,” ani Escamis kay Alcantara na naging coach niya sa Mapua Red Robins sa juniors’ division.

 

 

Kasama ng 55-anyos na si Cheng sa nasabing tropa ni mentor Joel Banal sina Chester Lemen, Reynold So, Neri Ronquillo, George Baltazar at Darren Evangelista na nanood sa Game 2 sa Big Dome.
Tinalo ng Cardinals ang Blazers sa Game One, 84-73, at Game Two, 94-82, para kumpletuhin ang series sweep.

Other News
  • Pinas, target na makapagrehistro, makapagbigay ng serbisyo sa mga ‘stateless Pinoy’ sa Sabah

    TARGET ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur  na makapagrehistro ng 550,000 “stateless” Filipino sa Sabah, at sa kalaunan ay makapagbigay sa mga ito ng serbisyo na available para sa mga mamamayang Filipino.     Tinatayang may 770,000 Filipino sa Sabah, 550,000 mulasa bilang ng mga ito ay undocumented, ayon kay Filipino citizens, the Department of […]

  • Tatanggapin daw ang biopic pag may nag-offer: PIOLO, umani ng sari-saring reaksyon dahil type gumanap na Pres. Marcos

    UMANI ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen ang naging pahayag ni Piolo Pascual, na gusto niyang gumanap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.   Higit na mas marami ang kumontra at sunod-sunod na negatibong komento ng mga netizen. Pati ang mga loyal fans ng Kapamilya actor ay hindi raw sila pabor na gawin ni […]

  • PBBM, may 80 infra projects maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund

    TINATAYANG  80 infrastructure projects, ang maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF).     Ipinahayag ito ng Pangulo sa  isinagawang  Philippine Economic Briefing sa  Ritz-Carlton Hotel.     “In addition, we look forward to the operationalization of the Maharlika Investment Fund, the country’s first ever sovereign investment fund. It will serve as an […]