• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG compound, nasunog

SINABI ng Presidential Security Group (PSG) commander Brig. General Jesus Durante III, na  nasunog  ang Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG Concessionaire area sa loob ng Malacañang Park.

 

Ang establisimyento ay hiwalay at malayo mula sa main Headquarters at pasilidad ng PSG.

 

Nangyari ang insidente dakong-alas  8:30 kahapon ng umaga kung saan ay agad namang rumesponde ang t Malacañang Fire Station (MFS) at nagdeklara ng fire out bandang alas- 9:15 ng umaga.

 

Napag-alaman isang heat gun ang naiwang nakasaksak ng crew habang nagde-deliver ng tubig ang naging dahilan ng sunog.

 

“The prompt response of a concerned PSG personnel actually prevented any escalation of fire. Estimated cost of damage is approximately more or less PhP 3,000.00 which only covers the portion where the heat gun was plugged,” anito.

 

Samantala, tiniyak naman ni Dutante na walang  personnel ang nasaktan o nasugatan mula sa nasabing insidente. (Daris Jose)

Other News
  • NBA star JR Smith desididong maglaro ng golf

    Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith.     Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North Carolina A&T State University para makasali sa golf team ng koponan.     Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith.     Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North […]

  • Pati pangalan niya ay nagagamit para makapanloko: DINGDONG, naglabas na ng statement para magpaalala sa mga online scammers

    NAGLABAS si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and host ng game show na ‘Family Feud’ sa kanyang Instagram account ng “Statement on Online Scammers”.     “Maraming kababayan natin ang sumasali sa Guess to Win Promo ng Family Feud.  Nagpapasalamat kami sa walang sawa at patuloy ninyong pagtangkilik sa promo at sa ating programa.   […]

  • Dancing the Tides’ ni XEPH SUAREZ, ire-represent ang bansa sa Cannes Film Festival

    ISANG regional film project at 33 na production companies, institutions, at organizations ang bumubuo sa representasyon ng Pilipinas sa La Fabrique Cinéma de l’Institut français at Marché du Film ng Cannes Film Festival ngayong taon.     Itinatag noong 1959 kasabay ang ika-13 na edisyon ng Cannes Film Festival, ang Marché du Film ay ang […]