Estados Unidos, ibang bansa nababahala sa aksyon ng Tsina sa West PH Sea
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
MAY ILANG embahada sa Maynila ang nagpahayag ng pagkabahala sa kamakailan lamang na agresibong aksyon ng Tsina matapos na muling bombahin ng water cannon ng mga barko ng Tsina ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang post sa X (dating Twitter)., sinabi ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na “The PRC’s unlawful use of water cannons and dangerous maneuvers disrupted a Philippine maritime operation on December 4, putting lives at risk.”
Sinabi ni Carlson na kinokondena ng Estados Unidos ang nasabing aksyon ng Tsina, tiniyak na kaisa pa rin sila ng Pilipinas kasama ang mga kaalyado mula sa Indo-Pacific region.
Paulit-ulit namang sinisiguro ng Estados Unidos ang commitment nito sa Pilipinas, isa sa pinakamalapit na kaalyado sa Southeast Asia, nananatiling “ironclad.”
Samantala, sinabi naman ng European Union (EU) na labis sila nababahala sa naging aksyon ng Tsina kamakailan, malinaw na paglabag ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“Very concerned by China’s aggressive actions against Philippine government vessels near Scarborough Shoal and Sabina Shoal on 4 December,” ang sinabi ni EU Ambassador to the Philippines Massimo Santoro sa kanyang post sa X.
“Such behaviour clearly runs counter the UNCLOS and international maritime safety regulations,” aniya pa rin.
Itinuturing naman ng New Zealand na “deeply worrying” ang aksyon at presensiya ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ship ng Tsina sa WPS. Ang New Zealand ay kasama sa maritime drills ng Pilipinas sa WPS.
“These latest dangerous actions by the Chinese Coast Guard towards the Philippines are deeply worrying, as is the presence of PLAN vessels. Water cannons and contact between vessels risk safety at sea and threaten regional stability and international law,” ang sinabi ng New Zealand Embassy sa Maynila.
“We again firmly call for peaceful resolution of disputes in accordance with UNCLOS,” dagdag pa nito.
Para naman sa Finland, miyembro ng European Union, na nababahala rin ito sa naging aksyon ng Tsina.
“Expressing my concern about these dangerous maneuvers and call for respect for international law,” ang sinabi ni Finland Ambassador Saija Nurimen sa kanyang post sa X.
Para naman sa mga awtoridad ng Pilipinas, mapanganib ang ginawa ng Chinese Coast Guard kabilang na ang ‘side swiping, blocking, at shadowing.’
Inakusahan din nito ang Tsina na nagpadala ng Navy ships para i-shadow ang vessels sa Bajo de Masinloc, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang PLA Navy vessels “came quite near and participated in the blocking or aggressive movements of the Chinese vessels.”
Binalaan naman ng Chinese Embassy sa Maynila ang Pilipinas na “immediately halt its infringements, provocations and inflammatory actions” at sinabi na intensyon ng Philippine vessels na magpabangga sa CCG ship.
“The Philippines will be held accountable for all consequences arising from this,” ayon kay CCG spokesperson Liu Dejun.
Bukod sa Pilipinas at Tsina, ang mga bansang umaangkin din sa WPS ay ang Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei. (Daris Jose)
-
Caperal sa Barangay Ginebra San Miguel nagkapangalan
MUKHANG magwawakas na ang professional basketball career ni Prince Caperal noong 2017. Kulelat na siya sa Terrafirma Dyip (dating Columbian Dyip), pinakawalan na siya at naging free agent. Wala ng nagkainteres sa kanyang Philippine Basketball Association (PBA) teams. Nasilip siya ni Barangay Ginebra San Miguel team governor/team manager Alfrancis Chua ang 6-foot-7 big […]
-
Naputukan nitong New Year 585 na; nasapol ng ligaw na bala dumami
SUMAMPA na sa halos 600 katao ang bilang ng nadidisgrasya ng paputok atbp. paingay sa pagpasok ng 2024 habang nadagdagan naman ng dalawa pa ang bagong kaso ng stray bullet injuries, ayon sa Department of Health. Ayon sa DOH ngayong Huwebes, nadagdagan pa kasi ng 28 fireworks-related injuries mula ika-3 hanggang kaninang madaling […]
-
Pinay boxer Aira Villegas pasok na sa quarterfinals ng women’s 50 kgs. matapos talunin ang Algerian boxer
NAKUHA ng Pinay boxer ang unanimous decision laban kay Romaysa Boulam ng Algeria. Sa unang round ay dominado ni Villegas ang laban kung saan pinaulanan nito ang mga suntok ang Algerian boxer. Pinilit pang humabol si Boulam subalit hindi nagpatinag si Villegas hanggang tuluyang matapos ang last round at ideklara siyang panalo. Aminado si Villegas […]