• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estados Unidos, “looking forward” sa ‘malakas at produktibong relasyon” sa bagong Pangulo ng Pilipinas — diplomat

“LOOKING forward” ang Estados Unidos sa malakas at produktibong relasyon sa magiging bagong Pangulo ng Pilipinas maging sino man ang mananalo sa national elections sa Mayo.

 

 

Binigyang diin ni Embassy Charges d’Affaires Heather Variava na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay “deeply rooted in shared values and its strong alliance” at hindi na magbabago kahit sino pa man ang maging Pangulo ng bansa.

 

 

“We very much support the Philippine democratic process and look forward to working whichever candidate is elected by the people of the Philippines,” ayon kay Variava.

 

 

“Regardless who is elected in May we look forward to having a strong and productive relationship with the new president and we look forward to continuing that strong partnership and supporting the Philippines’ rights and sovereignty in the region,”dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, kinukunsidera naman ng Estados Unidos at ng iba pang foreign government na ang eleksyon o pagkomento ukol sa specific na kandidato ay isang internal domestic matter, subalit sinabi ni Variava na nananatiling committed ang Estados Unidos na panindigan ang alyansa nito sa Pilipinas at ang rule of law sa kabila ng mga talakayan hinggil sa magiging bagong Pangulo ng PIlipinas kasama ang ibang bansa para tangkain na resolbahin ang territorial disputes.

 

 

“Those discussions will not weaken a longstanding alliance between the United States and the Philippines which is proven time and again to be a bedrock of stability and prosperity in this region,” anito.

Other News
  • Torralba masasandalan sa opensa, sa depensa

    Hindi lang sa open sa pambato si Joshua Torralba kundi sa depensa rin pagdating sa isang larong basketbol.     Kabilang ang 27 anyos at may taas na 6-2 swingman sa 97 aspirante sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa Marso 14 at dumadalanging matapik upang makakayod sa 46th PBA Philippine Cup […]

  • DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening

    PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa.       Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted  partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon […]

  • PBBM, hinikayat ang mga Filipino sa Lebanon, Israel na umuwi na ng Pinas

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Filipino sa Lebanon at Israel na bumalik na ng Pilipinas habang available pa ang mga byahe sa gitna ng tensyon sa Gitna ng silangan.     “We hope that you will avail yourselves of our repatriation program while flights are available,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa […]