• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estados Unidos, suportado ang panawagan ng Pinas kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea

SUPORTADO ng Estados Unidos ang  serye ng protesta ng Pilipinas laban sa nakagagalit na aksyon ng China sa  West Philippine Sea partikular na ang ginawang panghaharang ng China sa mga Filipino sa  resupply missions nito at pagpapadala ng  200  militia vessels sa reef na sakop ng Pilipinas.

 

 

“We share the Philippines’ concerns regarding the (People’s Republic of China) PRC’s provocative actions interfering with Philippine sovereign rights within the Philippine exclusive economic zone near Second Thomas Shoal and massing vessels near Whitsun Reef,” ayon kay US State Department spokesperson Ned Price sa isang kalatas na may petsang Hunyo 17.

 

 

“The United States supports the Philippines in calling on the PRC to end its provocative actions and to respect international law in the South China Sea,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Noong nakaraang linggo, inakusahan ng  Department of Foreign Affairs ang China  ng illegal fishing at pagpigil sa Philippine vessels sa  resupply mission sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) sa pamamagitan ng paggamit ng fishing nets at buoys.

 

 

“A Philippine Naval vessel – the BRP Sierra Madre – has been grounded at Ayungin Shoal since 1999. The ship manned by more than a dozen Marines and sailors has become a symbol of Philippine sovereignty in the offshore territory. It is 105.77 nautical miles from the nearest Philippine province of Palawan and constitutes part of the country’s 200-nautical mile continental shelf as provided under the United Nations Convention on the Law of the Sea,” ayon sa ulat.

 

 

Sa isa pang reef, may 200 Chinese militia vessels ang namataan sa  paligid ng Julian Felipe, mas kilala bilang  Whitsun Reef, na nasa loob ng exclusive econonic zone (EEC) ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Price na ang kamakailan lamang na naging aksyon ng China ay  “are part of a broader trend of PRC provocations against South China Sea claimants and other states lawfully operating in the region.”

 

 

Sa ulat, tinatayang umabot na sa 90% ng  South China Sea ang kinokonsidera ng China na pag-aari nito kabilang na ang mga lugar na nasa loob ng  West Philippine Sea (WPS),  bilang bahagi ng teritoryo nito, subalit itinanggi ng China na may mali itong nagawa.

 

 

Bagama’t ang Washington ay hindi partido na kasama sa nagtatalo sa WPS, idineklara naman nito na  bahagi ng kanilang  national interest ay tiyakin  ang freedom of navigation at overflight  ng pinagtatalunang katubigan ng  Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan na mayroon ding  overlapping claims sa WPS.

 

 

Ang Pilipinas ay mayroong Mutual Defense Treaty sa United States,  na nagbibigkis sa dalawang alyansa na magtulungan kontra agresyon at tulungan na ipagtanggol ang ibang partido.

 

 

“The United States stands with our ally, the Philippines, in upholding the rules-based international order and freedom of navigation in the South China Sea, as guaranteed under international law,” ayon kay Price. (Daris Jose)

Other News
  • Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’

    DAHIL  na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe.     Ito ay para makatipid sa pera at krudo.     Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor […]

  • Lockdown sa PSC, RMSC, Philsports

    PARA masiguro na mapigilan ang paglaganap ng Novel Cornavirus Disease (COVID- 19), minabuti ng Philippine Sports Commission (PSC) na pansamantalang isasara ang tanggapan sa Maynila at Pasig upang isailalim sa sanitation ngayong araw (Biyernes, Marso 13).   Walang pasok ang mga empleyado at pansamantalang hindi muna ipagagamit sa publiko ang mga sports facilities sa Rizal […]

  • Marcial lubos ang pasasalamat sa tulong ni Thirdy Ravena

    Ipinagmalaki ni Olympic-bound boxer Eumir Marcial ang ginawang pagtulong ni basketball star Thirdy Ravena.     Kasunod ito sa naging hinanakit ni Marcial sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Boxing Federation dahil sa hindi sapat na pondo at suporta.     Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito na ang naging palitan nila ng […]