Estate Tax Amnesty, palawigin
- Published on May 18, 2023
- by @peoplesbalita
IPINASA ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig sa ipinatutupad na Estate Tax Amnesty ng dalawang taon o hanggang 2025.
Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon sa mga taxpayer para mabayaran ang kanilang tax obligations.
Base sa Republic Act no.11569 na inamyendahan ng RA 11213 o ang Tax Amnesty Act, inaasahang magtatapos na ang implementasyon nito sa June 14, 2023.
Inaasahang malaking tulong ang pagsasabatas ng panukalang ito lalo na’t marami pa rin ang patuloy na bumabangon mula sa dagok ng pandemya na dinagdagan pa ng kalbaryo sa tila walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Karamihan din sa mga kababayan na nasa mga lalawigan ang hindi na natutukan ang pagbabayad ng estate tax, kaya’t tumataas ang kanilang multa.
Pinarerebyu ng isang mambabatas sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang terms of reference (TOR) at specifications sa bidding ng firetrucks upang maiwasan ang alegasyon ng iregularidad sa proseso ng pagbili ng ahensiya.
Naniniwala rin si Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na sa pamamagitan ng rebyu at pagpapatupad ng pagbabago sa loob ng BFP ay makakatulong para maresolba ang backlog sa bilang ng firetrucks sa bansa.
“Panahon pa namin 2006 ng ako nasa DILG, hanggang ngayon, may backlog pa rin tayo. Bakit di natin ma-resolve ‘yun? And at the same time, laging may ganitong issue, laging issue natin ay overprice, laging issue natin may favored bidder. Dapat mawala na yun. Magkaroon na tayo ng maayos na TOR sa lahat ng bagay, sa specs na susundan ng lahat ng suppliers ,” ani Yamsuan.
Hiniling ng mambabatas sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, sa BFP na magsumite ng documents listing at procurement plan nito ngayon taon.
Ang pagdinig ay bunsod na rin sa inihaing House Resolution 724 nina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, GABRIELA Women’s Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Party-list Rep. Raoul Danniel Manuel para imbestigahan ang umano’y restrictive at kuwestiyonableng procurement process ng BFP sa pagbili ng firetrucks na bahagi ng modernization program ng ahensiya.
Bukod sa isyu ng firetrucks, nakuwestiyon din ang pagkakasama ng personal protective equipment (PPE) sa binili ng ahensiya.
Base sa dokumento na isinumite sa komite, ang BFP ay nakabili ng 562 firetrucks na nagkakahalaga ng P7.2 billion simula 2018. (Ara Romero)
-
Jerusalem ‘di isusuko ang WBC crown kay Castillo
GAGAWIN ni Pinoy world champion Melvin Jerusalem ang kanyang mandatory title defense kontra kay Mexican challenger Luis Angel Castillo sa Linggo sa Mandaluyong City College Gym. Sinabi ni Jerusalem, ang reigning World Boxing Council (WBC) minimum weight king, na napag-aralan na nila ang mga galaw ni Castillo. “Pagka-champion pa lang ni Melvin alam na namin […]
-
‘Wag ka na matakot! Casimero kay Donaire…
Ayaw tantanan ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero si World Boxing Council (WBC) bantamweight king Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. Sinabi ni Casimero na natatakot lamang si Donaire sa kanya kaya’t ayaw nitong kumasa sa hamon para sa isang unification fight. “Takot lang siya sa […]
-
Naghahanda na para sa ihu-host na variety/game show: RABIYA, inaming malaki ang paghanga sa kakayanan ni MICHELLE
KAHIT na sunud-sunod ang hiwalayan sa showbiz, nananatili pa ring matibay ang relasyon ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia. Noong maging public na ang relasyon ng dalawa, nakatanggap ng bashing at hate comments si Kiray dahil hindi naman daw tatagal ang relasyon nila ni Stephan. Ginagamit lang daw siya […]