Estratehiyang gagamitin sa vaccination rollout para sa pediatric population, aprubado ng IATF – Roque
- Published on November 2, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 ang inirekomendang estratehiya ang vaccination rollout para sa nalalabing pediatric population para makamit ang vaccination rate na 80% ng target population sa Disyembre 2021.
In-adopt naman ng IATF ang rekomendasyon ukol sa VaxCertPH, kabilang na ang opening requests para sa COVID-19 digital vaccination certificates para sa domestic use.
Ang lahat ng local government units (LGUs) na walang electronic vaccine administration systems ay required na i- adopt at gamitin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Vaccine Administration System (DVAS) para sa recording at databasing ng lahat ng vaccination information.
Inatasan naman ang DICT na magbigay ng dalawang beses isang linggo na updates hinggil sa regional status ng submission compliance ng vaccination data sa Vaccine Information Management System (VIMS) central database, habang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay inatasan naman na ulitin ang national memorandum sa lahat ng LGUs hinggil sa kahalagahan ng pagsusumite ng vaccination data sa VIMS central database.
“Indoor certification/qualifying examinations of testing centers were also recognized by the IATF as specialty exams that are allowed under the Guidelines on the Implementation of Alert Levels System for COVID-19 Response in Pilot Areas, except in areas under Alert Level 5, provided all workers and employees of these testing centers and their examinees are fully vaccinated against COVID-19, there is compliance with prescribed venue capacity, and the minimum public health standards are maintained,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
At sa huli, inaprubahan ng IATF ang inamiyendahang guidelines o alituntunin sa Alert Levels System for COVID-19 Response sa Pilot Areas na may kaugnayan sa operasyon ng mga hotels at accommodation establishments, at mga pagbabago sa rules na io-obserba para sa pagba-validate ng vaccination status sa IATF Resolution No. 144-A. (Daris Jose)
-
DA, inaasahan na bababa ang presyo ng sibuyas sa ₱100-150/kilo sa oras na dumating na ang inangkat na kalakal
INAASAHAN na ng Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas sa halagang ₱100 kada kilo sa oras na dumating na sa bansa ang inangkat na kalakal. “We are looking at the ₱100-150 (per kilo) cap. These are estimates only because we have to get first the final price of the […]
-
NAGPAHAYAG ng kanyang taos-pusong pagbati si Navotas Representative Toby Tiangco kay Most Rev. Pablo Virgilio David, Roman Catholic Bishop ng Kalookan at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, sa kanyang pagkakatalaga bilang Cardinal. “Having served as a priest for 41 years and a bishop for 18, Cardinal David has consistently dedicated his […]
-
Pilipinas, makabibili ng COVID- 19 vaccine
TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ang bansa ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito. Ayaw kasing umasa ng Malakanyang sa 2021 proposed national budget sa harap ng pagnanais nitong agad na makakuha ng COVID-19 vaccine. Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ayaw nilang dumepende sa national budget kung pag- uusapan ay pagbili […]