• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, makabibili ng COVID- 19 vaccine

TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ang bansa ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito.

 

Ayaw kasing umasa ng Malakanyang sa 2021 proposed national budget sa harap ng pagnanais nitong agad na makakuha ng COVID-19 vaccine.

 

Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ayaw nilang dumepende sa national budget kung pag- uusapan ay pagbili ng bakuna sa corona virus.

 

Sa katunayan, nakalatag na ani Sec. Roque ang mga kakailanganing hakbang kasama na ang resources o paghuhugutan ng pambili ng vaccine sa sandaling maging available na ito o may bansang magbenta na ng bakuna sa virus.

 

Nandiyan aniya ang Development Bank of the Philippines o DBP at ng Landbank of the Philippines na magpopondo sa pag- angkat ng bakuna sa pamamagitan ng loan.

 

Bukod pa sa may mga sources of information ang Pangulong Duterte na malapit nang magkaroon ng COVID vaccine at di magtatagal ay may bakuna nang magagamit para sa mga Pilipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Antipolo Cathedral naghahanda para sa pagiging International Shrine na

    NAGHAHANDA  na ang Antipolo Cathedral para sa pormal na paggawad sa kanila bilang unang International Shrine ng bansa.     Isasagawa ito sa darating Marso 25, 2023 matapos na kumpirmahin sa kanila ng Holy See.     Sa nasabing petsa ay kasabay nito ang Solemnity of the Annunciation of the Lord at ang anibersaryo din […]

  • Leptospirosis cases sa ‘Pinas nasa 878 na; 84 nasawi – DOH

    NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas bunsod na rin ng mga nakalipas na mga pag-ulan at pagbaha. Ayon sa DOH, batay sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring, naobserbahan nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang […]

  • Kumpanyang sangkot sa paghuhukay sa Bilibid, kakasuhan

    PLANO ring kasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang pribadong kumpanya na sangkot din sa paghuhukay sa compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.     Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kinukumpleto pa nila ang investigation report saka isasagawa ang paghahain ng mga kaukulang kaso.     “Yan ho kasi, […]