Estudyante, 1 pa kulong sa 560 grams marijuana sa Caloocan
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang drug personalities na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P67K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ivan”, 26, stock man at alyas “Desiree”, 20, grade 10 student at kapwa ng Block 28 Lot2, Tierra Nova Phase 3, Brgy 171.
Sa report ni Col. Lacuesta report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng tawag mula sa 911 ang desk officer ng Police Sub-Station 9 at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap umanong illegal drig trade sa kahabaan ng Cartagena St., Tierra Nova Phase 3, Brgy., 171, Bagumbong.
Kaagad namang pinuntahan nina PCpl Robinson Oya at PCpl Arby John Figueroa ang nasabing lugar kung saan nakita nila sa madilim na bahagi ng kalsada ang dalawang katao na tumutugma sa inilarawa ng 911.
Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay tumakbo ang mga ito para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto dakong alas-10:35 ng gabi.
Nakuha sa mga suspek ang isang shoulder bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 560 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P67,200.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa pagkakaaresto nila sa mga suspek na kapwa mahaharap kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience to a person in authority) at R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) (Richard Mesa)
-
Publiko, binalaan ng DOH sa heat stroke
PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga heat-related illnesses, gaya ng heat stroke, ngayong nakakaranas ang bansa ng napakatinding init ng panahon. Nauna rito, iniulat ng PAGASA na ang temperatura ng bansa ay maaaring umabot ng hanggang 45°C degrees Celsius sa ilang lugar mula Marso 28 hanggang kahapon, Abril […]
-
CHRISTOPHER, magdudugtong sa movie at tv series: All-star cast na ‘Cattleya Killer’ na pagbibidahan ni ARJO, ipinakilala na
IPINAKILALA na ng ABS-CBN ang all-star cast ng Cattleya Killer, ang pinakabagong international project ng Kapamilya Network na pagbibidahan ng 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na si Arjo Atayde. Makakasama ni Arjo sa thriller-drama series na pang-international release sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria […]
-
Karagdagang buses, e-jeepneys papayagang pumasada
Maaaring maglagay ng karagdagang buses at e-jeepneys sa mga routes na Itinalaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa June 22 habang ang traditional jeepneys naman ay papayagan lamang kung kulangang modern PUJs. “The second phase (of operation) of modern PUVs has been approved, and if they are not enough, […]