• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela

Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities.

 

 

Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at P/Major Jerry Garces sa Cattleya St. Libis Nadurata, Brgy. 18, Caloocan city na nagresulta sa pagkakaaresto kay Roy Santos alyas “Taroy”, 39, at Sevier Christian Ambida alyas “Tantan”, 39, kapwa ng PNR Compd. Samson Road, Brgy. 73.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang P500 bill at 9 piraso P500 boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, nasakote din ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega si Paulo Rejuzo, 26 ng Bagong Sikat, Purok 4 Mapulang Lupa matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa buy bust operation sa Unit-4 Trinidad Building West Service Road, Paso De Blas dakong 11:50 ng gabi.

 

 

Kasama ring nadakip sa operation si Alexander Calub, 38, Richmon Laguna, 27, Aeriel Vincent Corneta, 22, at ang na-rescue na Grade 8 student na itinago sa pangalang “Popoy” matapos maaktuhan na sumisinghot umano ng shabu.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakuha sa mga suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200.00 ang halaga, apat na cellphones, buy-bust money, P590 cash at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • AKAP Mall Tour, namahagi ng P268 milyon sa 53K benepisyaryo

    PORMAL na inilunsad ng House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Martin G. Romualdez, ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) mall tour kung saan umabot sa kabuuang P268.5 milyon ang naipamahaging ayuda sa 53,000 kwalipikadong empleyado ng mall at empleyado ng mga tenant sa apat na malalaking SM Supermalls sa Metro Manila […]

  • Nat’l Maritime Council sa gitna ng ‘range of serious challenges’, tinintahan ng Pangulo

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga filipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).     Sa anim na […]

  • Pagpapalawak ng Kadiwa stores, suportado ni Tiangco

        SUPORTADO ni Navotas Representative Toby Tiangco ang plano ng Department of Agriculture na palawakin ang Kadiwa Stores sa pamamagitan ng posibleng franchising dahil sa potensyal nitong hikayatin ang pag-unlad ng MSME sa bansa.       “We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or even small- […]