• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante, ginang sugatan sa shotgun sa Navotas

SUGATAN ang isang estudyante at 35-anyos na ginang matapos masapul ng ligaw na bala nang walang habas na paputukan ng shotgun ng isang fish porter ang kanyang mga kainiuman sa Navotas City.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanilang katawan ang mga biktimang sina Erabel Esgana, merchandiser at John Robin Gisalan, 20, student, kapwa ng Champaca St., Brgy., NBBS Proper.

 

 

Nahaharap naman sa dalawang bilang ng kasong Frustrated Homicide ang naarestong suspek na si Ruben Ilustrisimo, 28, ng 168 Brgy., NBBS Proper.

 

 

Sa report ni PSSg Allan Navata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-12:10 ng madaling araw, habang nakikipag-inuman ang suspek sa kanyang mga kaibigan sa 134 Champaca St., Brgy. NBBS Proper nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

 

 

Kumuha ng shotgun ang suspek at walang habas na pinaputukan ang kanyang mga kainuman na naging dahilan upang tamaan ng bala ang mga biktima na mabilis namang isinugod sa nasabing pagamutan.

 

 

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek subalit, naaresto naman siya ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 sa isinagawang hot pursuit operation at nakuha sa kanya ang isang 12gauge shotgun na may isang bala at isang basyo ng bala. (Richard Mesa)

Other News
  • Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’

    Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.     Ayon kay National Task Force Against Covid-19 […]

  • Lalaki umakyat sa poste ng ilaw sa Navotas

    NABULABOG ang tulog ng mga residente sa isang barangay sa Navotas City nang tatlong oras na mawalan ng supply ng kuryente matapos umakyat sa tuktok ng poste ng kuryente ang isang lalaki, Martes ng madaling araw.     Napuwersang putulin pansamantala ng Meralco ang supply ng kuryente sa kahabaan ng M. Naval St. Brgy. Sipac […]

  • ‘As of July 2024’: 67 visa-free destinations para sa Philippine passport holders

    TINATAYANG may 67 bansa at teritoryo para sa isang Philippine passport holder ang maaaring magkaroon ng access kahit walang visa requirement. Ito ang nakasaad sa pinakabagong passport index ng Henley & Partners, isang residence at investment firm. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa rank 73 sa July 2024 Henley Passport Index, kung saan ang Singapore […]