Estudyante, house keeper at mangingisda huli sa pot-session
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
NADAKIP ng mga tauhan ng Maritime Police ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu, kabilang ang na-rescueng 15-anyos na estudyante sa Navotas city.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) P/Maj. Rommel Sobrido ang mga naaresto na si Jocelyn Labuga, 52, house keeper ng Kadamay St. Market 3 Brgy. NBBN, Ariel Barcelona, 49, mangingisda ng Blk 3, Market 3 at ang 15-anyos na grade 6 student na itinago sa pangalang “Rosana”.
Ayon kay P/Maj. Sobrido, alas- 11 ng gabi nang respondehan ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia, kasama ang dalawang tauhan ng WCPD ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Kadamay St. Brgy. NBBN.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu ang tatlo na naging dahilan upang arestuhin nila si Labuga at Barcelona habang na-rescue naman ang menor de edad.
Nakumpiska sa mga dinakip ang sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalias.
Kinasuhan ng pulisya ng paglabag sa Comprehensive Dan- gerous Drugs Act of 2002 si Labuga at Barcelona habang tinurn-over naman sa DSWD ang na-rescueng menor de edad. (Richard Mesa)
-
Pinagselosan ng naging ex-bf ng singer/actress: Kuya KIM, inamin na nagkaroon talaga ng feelings noon kay GENEVA
INAMIN ni Kuya Kim Atienza sa progamang Mars Pa More, na nagkaroon siya ng feelings noon para kay Geneva Cruz. Sinagot lang ni Kuya Kim ang tanong sa segment ng show na ‘On The Spot’. Ang tanong ay: Sabi ko na nga ba, dapat inamin kong may feellings ako noon para kay—-, naging kami sana.” […]
-
Senado binigyang pagkilala ang tagumpay ng Powerlifter ng bansa sa 2022 Southeast Asian Cup
Binigyang kilala ng senado ang Powerlifting Association of the Philippines dahil sa paghakot nila ng mga medalya sa katatapos na 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia. Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayroong kabuuang 78 medalya ang kabuuang nakuha ng Pilipinas. Sa nasabing bilan ay mayroong 23 gold medals, […]
-
DILG, maaaring i-realign ang pondo para ma-cover ang re-employment ng contact tracers – Avisado
MAAARING i-realign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pondo nito para ma-cover ang re-employment ng contact tracers (CTs). Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bilang pagbibigay katiyakan matapos na sabihin ng DILG noong Enero 16 na maaari lamang silang makapag-rehire ng 15,000 CTs […]