• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela

KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto sa suspek na kinilala bilang si Jake Portugana, 20, grade 11, Street Level Indivedual (SLI), at residente ng Pearl island, Brgy., Lawang Bato.

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Santolan Footbridge, Service Road, Brgy., Gen T De Leon kung saan isang undercover police ang nagawa umanong makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 marked money.

 

 

Nang matanggap mula sa kanyang kasama na nagsilbing poseur-buyer ang pre-arrange signal na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba inaresto ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang apat heat sealed transparent plastic sachet kabilang ang (object of sale) na naglalaman ng humigi’t kumulang 20 grams na may Standard Drug Price Php136,000.00, buy bust money na isang P500 bill at 23 pirasong P500 boodle money, P400 seized money, cellphone, coin pouch at isang motorsiklo.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • NCR , mananatili sa Alert Level 2 status

    MANANATILI sa Alert Level 2 classification ang National Capital Region mula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.     Inilagay naman ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Lunes, Pebrero 14, 2022, ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng  Alert Level 3 mula  Pebrero 16 hanggang  28, 2022: Iloilo City, Iloilo Province at Guimaras sa […]

  • Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na

    MULING magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO.       Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente […]

  • Matapos ang matagumpay na grand launching, BPSF iikot na rin sa iba pang probinsya

    IIKOT ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair – ang pinakamalaking service caravan sa bansa, sa lahat ng probinsya sa buong bansa upang makapaghatid ng serbisyo sa milyong Pilipino, kasunod ng matagumpay na grand launching ng programa sa apat na probinsya noong Sabado.     Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isa sa pangunahing organizer ng service […]