EU, kinondena ang pagpatay sa Davao journalist
- Published on November 6, 2021
- by @peoplesbalita
KINONDENA ng European Union Delegation sa Maynila ang pagpatay kay Davao del Sur journalist Orlando “Dondon” Dinoy na binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang boarding house kamakalawa ng gabi.
Si Dinoy ay residente ng Bansalan, Davao Del Sur at reporter ng Newsline.Ph at block time anchor sa Energy FM Digos.
Sa isang kalatas, pinuri naman ng delegasyon ang mabilis na aksyon ng gobyerno upang matiyak na mapananagot ang mga responsable sa pagkamatay ng nasabing reporter.
“Free media is at the heart of democracy. We condemn the killing of journalist Orlando Dinoy and commend (the) government’s prompt action to bring justice. EU stands by & protects journalists,” ayon sa kalatas.
Sinabi naman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.
Sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco, PTFoMS Executive Director, na kaagad na pinakilos ng task force ang mga ahente nito sa pamamagitan nina Atty. Perry Solis at investigation head Col. Rechie Duldulao, nang maiulat sa kanila ang nabanggit na kaso.
“Regardless of the motive, we will work doubly hard to get the killer of Dondon Dinoy, a member of the Mindanao Independent Press Council that’s an active partner of PTFoMS,” ayon kay Egco.
“Rest assured, whether official or personal in nature, we will leave no stone unturned in punishing her killer. Dondon is a member of the LGBT community and was not hard-hitting. In fact, he had no known enemies,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Romero ibinigay na ang bonus ng 3 boxers
Tinupad ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang kanyang pangako kina Tokyo Olympics silver medal winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial. Sa seremonyang tinawag na “Bagsik Ng Kamao” ay iginawad ni Romero kina Petecio, Paalam at Marcial ang kanyang pangakong cash incentives via Zoom. May […]
-
Nagbanta na iti-trace at posibleng kasuhan- MON, binuweltahan ang isang content creator dahil sa mapanirang ‘joke’ post
MARAMI ngang nagulat sa pinost ng award-winning actor na si Mon Confiado sa kanyang Facebook account noong Biyernes, August 9. Hindi kasi niya nagustuhan ang mapanirang post ng isang content creator para magkaroon ng maraming views. Nitong Huwebes, August 8, nag-post sa Facebook ang isang “Ileiad” tungkol […]
-
Ephesians 5:1
Be imitators of God, as beloved children; and walk in love.