• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eumir Marcial todo paghahanda sa Olympics

Sumasabak sa matinding paghahanda at sakripisyo ngayon ni 2021 Tokyo Olympic-bound Eumir Felix Marcial sa tulong ni legendary Hall of Fame coach Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sa U.S. upang masungkit ang mailap na gold medal ng Pilipinas sa Olimpiyada at matupad ang kanyang pangarap na maging sikat ng pro-boxer.

Ayon kay Marcial, bukod sa sakit ng katawan na tinatanggap sa paghahanda para sa Summer Games at posibleng unang professional fight sa Disyembre, ramdam ng 25-anyos mula Lunzuran, Zamboanga City ang bigat ng kalooban sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Ate Eliver.

“Masakit man na ‘di ko siya makita kahit na sa huling sandali, mas pinili ko pa rin na mag-stay ako rito at magtuloy-tuloy ako sa pag-ensayo. Alam ko na mas masaya siya dahil pangarap din niyang manalo ako ng Gold sa Olympics at mag-World champion ako,” ani Marcial sa pagdalo nito sa TOPS Forum na suportado ng PAGCOR, Games and Amusements Board (GAB) at Philippine Sports Commission (PSC).

“Sobra talaga sakit ng katawan ko sa training dito, kasi nu’ng unang pagdating ko rito, halos mamatay-matay ako sa training nila eh tapos diretso na tulog ko. Sa tuwing gigising ako nag-request akong magpa-massage kasi sobrang sakit ng katawan ko,” dagdag nito.

Lumipad patungong Los Angeles ang 2019 World Amateur silver medalist noong nakaraang buwan upang harapin ang matinding pagsasanay sa kanyang paghahanda para sa Summer Games sa susunod na taon na nakatakda sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 sa Tokyo, Japan.

Nilinaw ng 3-time Southeast Asian Games gold medalist na patuloy na nakatuon ang kanyang atensyon para makamit ang gintong medalya sa Olympics.

Sinabi pa ni Marcial na patuloy niyang sinusunod ang mga amateur program na ipinapadala ni men’s boxing head coach Ronald Chavez, gayundin ang tuloy-tuloy na tulong ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa kanilang pamilya.

Gayunman, humingi pa rin ito ng karagdagang suporta sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa kanyang mga gastusin at pangangailangan sa kanyang pag-e-ensayo.

Other News
  • Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

    Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.     Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 […]

  • Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations

    BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region […]

  • Ads April 28, 2021