Ex-FIFA President Blatter tinawag na isang pagkakamali ang pagiging host ng Qatar sa FIFA World Cup
- Published on November 10, 2022
- by @peoplesbalita
TINAWAG na isang malaking pagkakamali ni dating FIFA president Sepp Blatter ang pag-award ng 2022 World Cup sa Qatar.
Kasunod ito sa batikos na kinakaharap ng Qatar dahil sa talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao at ang hindi pagkontra sa same-sex relationship ganun din ang hindi magandang trato sa mga migrant workers.
Napakaliit aniya ng bansa para doon gawin ang Football lalo na ang World Cup.
Ang 86-anyos na si Blatter kasi ang siyang nakaupo noon sa FIFA ng i-award sa Qatar ang hosting ng World Cup noong 2010.
Dagdag pa nito Blatter na ibinoto niya ang US noon para maging host at sinisi niya ang dating UEFA president na si Michel Platini dahil sa paglipat nito ng boto sa Qatar.
Sa ginawa noon ng executive committee ng FIFA ay nakakuha ang Qatar ng boto na 14-8 para pumabor sa hosting laban sa US habang ang Russia ay iginawad ang hosting noong 2018.
Nanungkulan si Blatter sa puwesto ng 17 taon at napilitan lamang ito ng bumaba sa puwesto noong 2015 dahil sa alegasyon na paglipat nito ng halagang $2.19 milyon kay Platini.
Magsisimula sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 18 ang torneo kung saan magkakampeon ay makakatanggap ng $42 milyon na premyo, mayroong $40-M ang runner-up, $27-M naman third placer, $25-M sa fourth placer.
Ang makaabot ng Quarterfinals ay mayroong $17-M na premyo, $13-M naman sa Round of 16 at $9-M naman sa Group stage winners.
-
Alert Level 1, itinaas sa Mayon volcano
ITINAAS ngayon ang alert level sa Mayon volcano dahil daw sa hindi nito pagiging normal. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa dating Alert Level 0 o normal ay itinaas ito sa Alert Level 1 o low-level unrest. “The public is reminded that entry into the 6-km […]
-
‘Mga detalye ng nilulutong Mikey Garcia-Pacquiao bout, malalaman sa mga susunod na araw’
Inaasahan umanong malalaman na sa mga susunod na araw ang detalye ng pinaplantsang bakbakan sa pagitan nina American welterweight contender Mikey Garcia at Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao. Ayon kay Garcia, posibleng ilabas na raw sa mga susunod na araw ang petsa at lokasyon ng magiging laban nila ng Fighting Senator. […]
-
Chinese tennis star Peng Shuai binawi ang pahayag na may inakusahan itong dating opisyal ng sexual assault
ITINANGGI ngayon ni Chinese tennis player Peng Shuai na mayroong siyang inakusahan ng sexual assault. Sinabi nito na wala itong inakusahan na nag-sexual assault ito sa kaniya. Nauna rito naging malaking usapin ang social media post ng three-time Olympian noong Nobyembre na nag-aakusa ng sexual assault laban kay dating Chinese vice […]