• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-gf ni Mayweather, pinatay

PATAY na nang matagpuan sa loob ng kanyang sasakyan ang dating kasintahan ni undefeated US boxing champion Floyd Mayweather Jr., na si Josie Harris sa edad 40 at nanay ng tatlo sa kanyang mga anak.

 

Sa report ng kapulisan ng Valencia, California, rumesponde sila sa isang report na may nakitang patay sa loob ng sasakyan.

 

Ayon sa Sheriff’s Department, walang malay si Harris nang madiskubre sa kotse na naka-park sa driveway ng kanyang tahanan sa Valencia, California, alas-diyes ng gabi nitong Marso 11 kung saan dineklara siyang dead at the scene at walang anumang nakitang foul play ang mga awtoridad.

 

Ayon sa pulisya, tinatrato ang kaso bilang death investigation at hindi homicide case, na standard procedure para sa mga high-profile case sa county.

 

Hindi pa nilalabas ang dahilan ng pagkamatay ni Harris na isang aspiring actress si Harris.
Taong 2010 ng inireklamo nito ng pananakit ang boxing champion na nagresulta sa pagkakakulong sa kaniya ng dalawang buwan.

 

Nag-date sila mula pa 1995 hanggang 2010 naghiwalay sina Mayweather at Harris, matapos makulong ang una dahil sa pang-aabuso sa huli.

Other News
  • TATLONG DAYUHANG PUGANTE, INARESTO NG BI

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhang pugante na wanted sa kanilang mga bansa.     Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na ang tatlong dayuhan, isang Amerikano, Taiwanese at isang South Korean ay inaresto sa magkakahiwalay na opeasyon ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila at Pangasinan. […]

  • P5-B – P13-B halaga ng nasayang na COVID-19 vaccines nais paimbestigahan sa Senado

    NAIS ni Senator Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang tinatayang P5 billion hanggang P13 billion na halaga ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno na hindi nagamit matapos mag-expire.     Kaugnay nito, naghain ng isang resolution si Sen. Risa Hontiveros para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y large-scale wastage ng mga bakuna kontra […]

  • Lalaking nagbabanta at nangingikil sa mga driver sa Malabon, kalaboso sa baril

    NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 55-anyos na lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos maaresto ng mga pulis makaraang makuhanan ng baril sa Malabon City.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin. […]