Ex-KOJC member idinetalye dinanas na sexual abuse kay Quiboloy
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
PERSONAL na nagharap kahapon sa pagdinig ng Senado sina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at ilan sa mga nag-aakusa sa kanya ng iba’t ibang krimen kabilang ang sexual abuse.
Unang pinakinggan ng komite na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros ang magkakahiwalay na testimonya ng tatlong babae na nagsabing seksuwal silang inabuso ni Quiboloy kabilang ang isang Ukrainian national na nagngangalang Yulya Voronina.
Ayon kay Voronina, 10 silang Ukrainian na naging miyembro ng KOJC at tumira sa compound ni Quiboloy sa Davao. Nagbigay ng testimonya si Voronina sa pamamagitan ng video conferencing.
Itinuro ni Voronina si Jackielyn Roy na kanyang “groomer” o naghanda sa kanya para makabilang sa mga babaeng nagkaroon ng sekswal na relasyon kay Quiboloy.
Ayon naman kay Teresita Valdehueza, naging miyembro siya ng simbahan ni Quiboloy noong 17 taong gulang pa lamang siya noong 1980.
“In 1988, I made the difficult decision to dedicate my life to his ministry, driven by the belief that true fulfillment and salvation lay in serving God fully,” ani Valdehueza.
Isa siya sa “pioneering group” at ang tingin niya noon kay Quiboloy ay totoong anak ng Diyos.
Nangyari ang sexual abuse noong 1993 nang papuntahin siya sa Cebu City kung saan nangaral ang pastor. Habang nasa Park Place Hotel sa Fuente Osmeña, sinabihan umano siya ni Quiboloy na tabi na silang matulog dahil compatible sila at pareho ang kulay ng suot nilang damit.
“Sleeping beside a man I believed to be chosen by God was for me then a great privilege and an opportunity for a sinner like me…but what followed shattered my sense of faith and trust. Without a word, after turning off the light, he embraced me, undressed me, and violated me with his lustful act that left me in shock and speechless,” salaysay ni Valdehueza.
Noong Pebrero 15, 1998 ay muli umanong “ginamit” ni Quiboloy si Valdehueza na dahil umano sa takot ay sumusunod siya.
Sinabi rin ni Valdehueza na naranasan niya ang maparusahan sa pamamagitan ng fasting o hindi pagkain ng matagal na panahon.
Noong Setyembre 13, 1999 umalis sa KOJC si Valdehueza at hindi ito nagpaalam kay Quiboloy.
(Daris Jose)
-
‘Morbius’ Expands Sony’s Universe of Marvel Characters
ONE of the most compelling and conflicted characters in Sony Pictures Universe of Marvel Characters comes to the big screen in the action-thriller Morbius as Oscar® winner Jared Leto transforms into the enigmatic antihero Michael Morbius. Watch Morbius’ Universe Vignette below: https://www.youtube.com/watch?v=T1caCRuCCnc Dangerously ill with a rare blood disorder and determined to save […]
-
House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors ‘pag natuloy ECQ – Olivarez
Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sakali mang matuloy ang 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR). Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for […]
-
Akbayan files ‘Kian Bill’, pushes for a humane and health based approach to drug policy
AKBAYAN Partylist Rep. Perci Cendaña today filed the “Kian Bill” also known as the Public Health Approach to Drug Use Act to provide humane solutions to the drug problem while also giving robust protections for individuals’ rights. According to Rep. Cendaña the proposed bill is a 180-degree turn from the previous Duterte administration’s bloody war […]