Ex-Ozamiz Councilor Ardot Parojinog, patay na nang madiskubre sa selda
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
Inaalam ngayon ng pulisya kung ano ang dahilan sa naging kamatayan ng kontrobersyal na umano’y nasa likod ng organized illegal drug syndicate na si detained former Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa loob ng kanyang selda sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Ito ay matapos kinumpirma ni Police Regional Office-10 spokesperson Lt. Col. Mardi Hortillosa ang pagkamatay ni Parojinog habang naka-local custody sa Ozamiz City.
Sa panayam, inihayag ni Hortillosa na tinungo ng mga personahe ng Scene of the Crime Operatives (SOCO-10) ang lugar para alamin kung ano ang sanhi ng biglaang pagkasawi ng akusado.
Ex-Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog
Inihayag ng opisyal na hindi pa sila makapagbigay ng karagdagang pahayag hangga’t wala pang official findings ang mga imbestigador kung paano nangayari sa pagkamatay ni Parojinog.
Sinasabing si Parohinog ay kahapon lamang dumating sa Ozamiz na mula rin pagkakakulong sa Metro Manila.
Si Ardot ay kapatid ng napatay na si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr. na nakatakas noong isinagawa ni dating Ozamiz City police station commander Lt. Col. Jovie Espenido ang madugong anti-drugs operation alinsunod sa unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 30, 2017.
Magugunitang nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal si Ardot bago ito naaresto habang nagtatago sa bansang Taiwan noong Mayo 2019 dahil sa nangyari kay Aldong.
Napag-alaman na ang mga Parojinog ay unang binansagan na nasa likod daw ng Kuratong Baleleng gang kung saan utak umano ng high profile criminal cases tulad ng bank robberies, illegal drug trade at gun for hire activities sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
-
Hong Kong nagpatupad ng travel ban vs PH at 7 pang bansa dahil sa pagtaas ng COVID cases
Inanunsiyo ng Hong Kong ang panibagong paghihigpit nila bilang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19. Isa rito ang pagbabawal sa mga flights mula sa Pilipinas at pitong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at US. Isasara rin nila ang mga bars at gyms ganun […]
-
TONI, tinutuligsa ng netizens dahil sa vlog na in-interview si ex-Senador BONGBONG
MARAMI ang curious kung ang ina ba ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo ay boto kaya sa present boyfriend niya na Dominic Roque. Masasabing marami na rin ang nag-aabang at natutuwa sa mga reaction o comment ng mommy ni Bea na si Mommy Mary Anne simula nang naipi-feature ito ni Bea sa […]
-
BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case
PINASASAGOT ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una. Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian […]