Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration.
Si Marcos, nakatakdang manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30, ay pinangalanan sina outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III bilang Chairman at Resident Representative-designate ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Itinalaga bilang DOLE Secretary ni Pangulong Duterte noong 2016, dekada ng nasa public service si Bello at nagkaroon na rin ng iba’t ibang posisyon gaya ng Acting Secretary of Justice at kalaunan ay Solicitor General noong 1998 sa panahon ng dating Pangulong Fidel Ramos.
Si Bello ay itinalaga bilang Cabinet Secretary ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 2004 hanggang 2010 at naging party-list Representative mula 2013 hanggang 2016.
Samantala, muli namang ninomina (nominated) ni Marcos si dating Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang Civil Service Commission (CSC) Chairman-designate.
Si Nograles ay kabilang sa Duterte ad-interim appointees na na-bypassed bunsod ng kakulangan ng quorum ng Commission on Appointments (CA) nitong buwan ng Hunyo.
Si Nograles, isang abogado, ay naging 1st district Representative ng Davao City sa loob ng 8 taon bago pa siya itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilang posisyon sa Executive branch.
Si Nograles ay naging Cabinet Secretary, IATF-IED Spokesperson, Acting Presidential spokesperson, at Chairman ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.
Kapwa naman makakasama nina Bello at Nograles ang lumalagong “pool of officials” na nananatili mula sa Duterte administration at ngayon ay napili ni President-elect Marcos dahil may magandang track records na makatutulong sa nation-building.
Samantala, napili naman si dating Philippine Airlines (PAL) president at chief operating officer Jaime Bautista ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang incoming Transportation chief sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Kinumpirma ito ni incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez sa mga mamamahayag.
Papalitan ni Bautista si Arthur Tugade bilang DOTr chief sa pagsapit ng Hunyo 30. (Daris Jose)
-
Eric Gordon, baka mawala ng 2 weeks dahil sa ankle injury – sources
Pinangangambahan ngayon na posible umanong abutin ng hanggang dalawang linggo ang pagkawala ni Houston Rockets guard Eric Gordon makaraang magtamo ito ng ankle injury. Ayon sa mga impormante, inaasahang bukas malalaman ng koponan ang lala ng pinsalang natamo ng Rockets guard. Pero sinabi ni Houston coach Mike D’Antoni, negatibo naman daw ang lumabas sa X-ray. […]
-
‘Doctor Strange in the Multiverse of Madness’ is now the PH’s Highest-Grossing Film of 2022
A fortnight after the local theatrical release of Marvel Studios’ Doctor Strange in the Multiverse of Madness, the film is now reported to be the Highest Grossing Film in the Philippines in 2022. Fans of the Marvel franchise expressed their warm reception of the movie as it created new records in the Philippines: […]
-
QC MAYOR BELMONTE, PINARANGALAN NG UNITED NATIONS
TUMANGGAP ng pagkilala mula sa United Nations Environment Programme (UNEP) si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang 2023 Champion of the Earth for Policy Leadership. Ang parangal na ito ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng United Nations para sa mga indibidwal at organisasyon na nagtataguyod ng mga programa para sa kapaligiran at kalikasan. […]