• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-US Pres. Obama at asawang si Michelle kasalukuyang nagpapagaling na matapos magpositibo sa COVID-19

NAGPAPAGALING na ngayon si dating US President Barack Obama matapos na siya ay magpositibo sa COVID-19.

 

 

Sinabi nito na maging ang kaniyang asawa na si dating first lady Michelle Obama ay nagpositibo rin sa COVID-19.

 

 

Dagdag pa ng dating US President na nakaranas ito ng pangangati ng lalamunan ng ilang araw.

 

 

Nagpapasalamat na lamang aniya sila dahil fully-vaccinated na silang mag-asawa.

 

 

Kakauwi lamang ng 60-anyos na dating pangulo sa Washington mula sa bakasyon sa Hawaii ng makasalamuha ang isang tao na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Kasalukuyan ng naka-isolate ang mag-asawa at sila ay nagpapagaling na.

 

 

Si Obama ang pangalawang dating pangulo ng US na nagpositibo sa COVID-19 na ang una ay si Donald Trump noong Oktubre 2020.

Other News
  • Increase sa DOH budget, aprub kay Bong Go

    NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go na palakasin pa ang healthcare system sa public hearing ukol sa panukalang 2023 budget ng Department of Health noong Lunes.     Sa pagdinig, binigyang-diin ni Go, chair ng committee on health and demography, ang kahalagahan ng 2023 budget ng DOH para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya […]

  • Na-diagnose na apat na ang autoimmune disease: KRIS, parang gusto nang sumuko pero lumalaban para kina JOSH at BIMBY

    NAKALULUNGKOT naman na lumala pa ang matagal nang nilalabanang karamdaman ni Queen of All Media Kris Aquino.     Ayon kasi sa naging pahayag ng kapatid niyang si Maria Elena “Ballsy” Aquino, apat na ang autoimmune disease ng TV host-actress, “When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four.”   […]

  • Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA

    Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.   Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang […]