Ex-vice presidential candidate Walden Bello arestado dahil sa kasong cyber libel
- Published on August 10, 2022
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Quezon City police si dating vice presidential candidate Walden Bello dahil sa kasong cyber libel.
Ang kaso ay isinampa ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas.
Sa pitong pahinang resolution na inilabas noong Hunyo 9 ay napatunayan umano na ang dating mambabatas ay lumabag sa Revised Penal Code at sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa staff ni Bello, unang dinala ito sa station 8 ng QCPD bago inilipat sa Camp Karingal.
Sinabi naman ni QCPD Director Remus Medina, inaresto si Bello dakong ala-5:00 ng hapon sa kaniyang bahay sa Quezon City.
Dinalaw naman ni labor leader at dating presidential candidate Leody de Guzman si Bello para tignan ang kalagayan nito. (Daris Jose)
-
Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes
AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una. “Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa […]
-
Knott makakaabot ng Olympics – Juico
KUMPIYANSA si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico na magku-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan si sprint runner Kristina Knott. Ito’y makaraang mag-silver medal sa Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, United States nitong Sabado ng ng Fil-Am Kristina at giniba ang 33-year-old record ni Lydia […]
-
Sa gitna ng World Cup, nakayanan ng mga tagahanga ang pagbabawal ng beer
Ninamnam ng mga tagahanga ng soccer ang kanilang unang pagsipsip ng beer sa paglulunsad ng fan festival kung saan maaari silang uminom ng alak sa Fifa World Cup ngayong taon na nagsimula noong Linggo. Ito ang unang pagkakataon para sa pinakaprestihiyosong kaganapan ng isport na gaganapin sa isang konserbatibong bansang Muslim na may mahigpit […]