• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Excited na rin sa kanilang Christmas vacation: KIM, gustong mapanood si XIAN na mag-direk pero ‘di pinapayagang dumalaw

NATUWA ang mga fans ni Kapuso actor Tom Rodriguez, nang mag-post ang manager niyang si Popoy Caritativo ng “see you soon!”

 

 

Dahil very active na rin muli si Tom sa kanyang Instagram, marami ang nag-post ng comments na natutuwa sila kung magbabalik na muli si Tom sa pag-arte dahil nami-miss na nila ang actor na isa sa mahuhusay na artista ng GMA Network.

 

 

Katatapos lamang mag-celebrate ni Tom ng kanyang 35th birthday noong October 1, at sa isang interview, sinabi niyang, “I’m now happily moving on, enjoying working on myself, but I’m not stopping or closing my doors on anything.

 

 

“I’m just enjoying my life, I’m enjoying learning new songs for the upcoming shows. I long to perform again and interacts with the fans, nami-miss ko na iyon. Kaya I’m happy na makakasama ko si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa isang show, ang ‘Philippine Fashion and Cultural Expo L.A.,’ on Sunday, October 16.”

 

 

Sa show, ilan sa producers ay ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA NewsTV.

 

 

***

 

 

EXCITED na pala ang mag-sweetheart of eleven years na sina Kim Chiu at Xian Lim, para sa isang Christmas vacation sa December.

 

 

Binanggit ito ni Kim sa isang interview sa kanya: “Kami naman, alam ng mga supporters namin na every December, we really make sure na makapag-out of the country kami, to celebrate ng holidays together.

 

 

“Kaya kami ni Xian, nilu-look forward namin ang pinakamahabang break namin from work, lalo ngayon na nagkasunud-sunod ang work namin pareho, especially si Xian, dahil bukod sa pagiging actor ay nagsusulat na rin siya ng script at nagdidirek na rin.

 

 

“At gumawa pa nga kami ngayon ng movie sa Viva Films, after eight years na hindi kami nagtatambal, ang ‘Always’ na Philippine adaptation, ng 2011 South Korean drama.”

 

 

Kung may dream pala si Kim, ito ay makitang magdirek si Xian, pero hindi siya pinapayagan ng boyfriend na dalawin sa set dahil baka hindi raw ito makapag-concentrate habang nagtatrabaho.

 

 

Big dream din naman pala ni Xian na maidirek niya ang girlfriend sa isang project. So, matutupad lamang ang wishes nila, kapag gumawa na si Kim ng movie na ang magdidirek ang kanyang boyfriend.

 

 

***

 

 

“EPY Quizon forda win!” post ng GMA Network sa panalo ng “Voltes V Legacy” actor, nang mag-guest siya sa isang episode ng “Running Man Philippines,” titled “Cuckoo Clock.”

 

 

Para kay Epy Quizon, age is just a number, dahil at 49, pinataob nga niya ang mga mas batang celebrity runners, sa mini mission ng show na pinalabas last Saturday, October 1, at Sunday, October 2.

 

 

In-enjoy talaga ito ng mga viewers at umani ng one million views, kung paano lumaban si Epy kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Villar.

 

 

Nag-post ang mga viewers and netizens ng mga nakatatawang comments nila kung paano sila humanga at pinasaya ni Epy na hindi nagpatalo kahit pisikalan ang mini mission.

 

 

Napapanood ang “Running Man Philippines” every 7:15PM on Saturdays at 7:50PM on Sundays, sa GMA-7.

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Dalawang buwang sahod ni CabSec Nograles, ibibigay sa 2 ospital ng Quezon City

    HINDI nagdalawang-isip si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ibigay ang kanyang dalawang buwang sahod para mapalakas ang capacity ng dalawang government hospitals sa Quezon City sa gitna ng laban kontra sa coronavirus outbreak.   Ani CabSec. Nograles, ibibigay niya ang kanyang one-month salary sa East Avenue Medical Center (EAMC) habang ang isang buwan naman ay […]

  • Ads May 15, 2023

  • Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

    TIWALA  ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.     Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director […]