Excited nang maipalabas ang nakaka-inspire na serye: ASHLEY, hinangaan si XIAN sa effort at dedikasyon para matutong mag-ice skate
- Published on March 3, 2023
- by @peoplesbalita
At bilang malapit kay Isko, tinanong namin si Yul Servo, na Bise-alkalde na ngayon ng Maynila, tungkol sa sinapit ng kanyang dating Alkalde.
“Siyempre malungkot, malungkot na hindi pinalad, pero siyempre may dahilan yan kung bakit, ‘di ba?
“Siguro hindi pa yun para sa kanya.
“Pero naniniwala ako sa kakayahan ni Yorme, na kaya din niyang maging magaling na lingkod-bayan sa buong Pilipinas, hindi lang siguro pa panahon, hindi pa para sa kanya.
“Pero nandiyan naman siya, hindi naman siya tumitigil sa pagtulong, pagbibigay ng advice, so sa lahat ng aspeto ng paglilingkod nandiyan pa rin naman siya, nakagabay sa aming Asenso Manilenyo e,” sinabi sa amin ni Yul na nakausap namin sa relaunch ng The Manila Film Festival na naglalayong mas pasiglahin ang panonood ng mga pelikula, lalo na ng mga baguhang filmmakers, sa buong Kamaynilaan.
Sa pagbabalik ng The Manila Film Festival ay katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions at Edith Fider.
Si Ms. Fider ang magbibigay ng grant (at least three hundred thousand pesos) para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival.
Ang TMFF ay bukas qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.
Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10 sa ganap na 11PM at ipadala sa themanilafilmfesival@gmail.com
Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.
Ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos ay ilan sa magsisilbi bilang mga mentor ng mga mapipiling kalahok.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”
KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic. Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red […]
-
Kahit pa sinasabi na okay naman siya at busy sa work: KYLIE, halatang ‘di pa talaga nakaka-move-on sa break-up nila ni JAKE
TINULDUKAN na ni Herlene Nicole Budol ang kanyang beauty pageant journey. Yun ay kung hindi na magbabago ang isip niya sa naging sagot niya sa kapwa beauty queen na si MJ Lastimosa. Rooting si MJ kay Herlene na mag-join daw itong muli hanggang sa makuha ang korona. Pero, negative na ang […]
-
Muling pagsirit ng Covid-19 cases sa bansa, walang dahilan para mag-panic- Malakanyang
WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-panic sa pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa. Sa ulat, may 3,000 na bagong COVID-19 cases ang naitala kada araw sa nakalipas na apat na araw. “Hindi pa rin ako nagpa-panic, kasi iyong ginawa nga natin iyong lockdown, hinanda natin ang ating health system,”ayon kay Sec. Roque. […]