• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Excited pa rin si Coco na makatrabaho ang veteran actors: VILMA, isa sa kinukumbinsi na maging parte na rin ng ‘Batang Quiapo’

ENJOY na enjoy at mas kalmado na ngayon sa “Batang Quiapo” kumpara sa “Ang Probinsiyano” ang Primetime King na si Coco Martin. 
Ayon pa kay Coco sa kanyang exclusive interview ng ABS-CBN news ay sobrang saya raw niya ngayon sa “Batang Quiapo” kumpara sa una nilang ginawa ng serye.
MAs relax na siya ngayon kasi nga raw yung mga kakulangan at mga nagawang nilang  kamalian noon sa ÁP ay naitama na nila dito sa BQ, huh!
Dagdag pa rin ng alaga ni Sir Biboy Arboleda sa mga natutunan na niya ngayon ang atake niya sa mga kinukuhang mga beterano at beteranang mga isinama sa serye ay mas natutunan na ng aktor ngayon.
“Sa totoo lang kasi dati kasi kapag naisipan ko na ang isang kuwento para sa kanila, eh, itotodo ko na agad,” sey pa rin ng bida ng “Batang Quiapo”,
Unti-unti na raw nabago ni Coco ang mga istilong nabanggit.
“Kumbaga, dapat na ngayon talaga, eh, binabalanse ko. Kasi sa experience ko sa Probinsiyano, namoblema ako noon sa mga artista kasi halos lahat, eh mai-guest na namin,” kuwento pa ng premyadong aktor.
Ang hindi lang nabago raw ngayon kay Coco pagdating sa mga kinukuha nilang mga veteran actors ay ang excitement .
Hindi pa rin daw siya mapaniwala na nakasama na niya sa eksena ang mga pinapanood lang niya dating mga kilalang artista.
“Nung dinidirek ko yung eksena nina Jaclyn Jose at Irma Adlawan medyo hindi ko maintindihan Ang naramdaman ko. Kumbaga, namimilipit ako talaga, direktor ako non ha,” napatawa pang balik tanaw ni Coco.
“Hindi ko sila ma-cut kasi sabi ko nga, sobrang galing nilang pareho, ang sarap panoorin. Para silang nagbo-boksing na Hindi mo alam kung ano gagawin mo. Hayop sa galing,” napailing pang kuwento ni Coco.
Sa inilabas ng ABS-CBN at Dreamscape na anniversary trailer ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay marami ang mga humahanga sa mga Iipinakitang mga eksena.
Pahiwatig na higit na mas marami ang tututok sa mga susunod na mga ipalalabas na episodes para sa Ikalawang taon na teleserye.
Bukod kay Vhong Navarro, kasama na rin sa mga mapapanood sina Jaime Fabregas, Tessie Tomas, Malou Crisologo, Eluijah Canlas, Ara Davao at marami pang iba..
And from what we heard mula sa insider ng Dreamscape ay isa raw sa kinukumbinsi na maging part na rin ng “Batang Quiapo” ay si Star for All Seasons Vilma Santos.
***
TOTOO kaya ang kuwentong pinag-uusapan ngayon na hindi na raw magtatagal sa ere ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya”?
Ayon sa bali-balita ngayon ay tsutsugihin na ng GMA-7 ang nabanggit na programa.
Ayon pa sa tsika ay papalitan na raw ang programa nina Yorme Isko and company.
Kasalukuyan nga raw nakipagnegosasyon na ang ilan sa mga bosing ng istasyon sa mga namamahala ng programang ipapalit sa “Tahanang Pinakamasaya. ”
Isa mga dahilan daw ay problemado na raw ang nabanggit na programa sa finances dahil sa palaki nang palaki ang nagagastos araw-araw ng show.
At lumalaki na rin daw ang hanggang ngayon hindi pa nabayarang utang ng show sa istasyon, huh!
Umabot na raw sa 800 million aang dapat bayaran ng Tape sa GMA-7, huh!
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • P15B sa Philhealth naglaho parang bula – Keith

    Aaabot sa ₱15 billion ang ninakaw umano ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ahensya gamit ang iba’t-ibang maanolmalyang paraan, ayon sa dating opisyal nito.   Ayon sa nagbitiw na anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith, naniniwala siyang ito ang halaga na ninakaw ng mga umano’y mafia sa ahensya.   “Naniniwala po […]

  • 100 pekeng accounts na pag-aari ng pulis at military sa Pilipinas, binura sa Facebook

    DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Facebook kung saan mahigit 100 pekeng accounts ang na-trace na pag-aari ng police at military units ng Pilipinas ang tinanggal dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB).   “We leave to the sound judgment and discretion of the popular global social networking company,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. […]

  • Ads May 20, 2024