• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 pekeng accounts na pag-aari ng pulis at military sa Pilipinas, binura sa Facebook

DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Facebook kung saan mahigit 100 pekeng accounts ang na-trace na pag-aari ng police at military units ng Pilipinas ang tinanggal dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB).

 

“We leave to the sound judgment and discretion of the popular global social networking company,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa kabilang banda, tiniyak naman ni Sec. Roque na kaisa sila sa pagtataguyod sa katotohanan at pagbasura sa disinformation, kasinungalingan at pagkamuhi.

 

“We hope the social media giant would exercise prudence in all its actions to remove any doubt of bias given its power, influence and reach,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, sa isang online press conference, sinabi ni Facebook cybersecurity policy chief Nathaniel Gleicher na karamihan sa content ng mga pekeng accounts na mina-manage ng mga taong konektado sa iba’t-ibang police at military agencies, ay puro mga kritisismo ng oposisyon, aktibismo, at komunismo.

 

Ayon kay Gleicher, ang domestic network ay binubuo ng nasa 57 Facebook accounts, 31 pages, at 20 instagram accounts.

 

Ang sites ay mayroong mahigit 276,000 followers sa Facebook at 55,000 naman sa Instagram.

 

Aniya, pinaka active ang network simula 2019 noong nasa kasagsagan ng usapin ang Pilipinas tungkol sa Anti-Terrorism Act.

 

Dagdag pa ni Gleicher, ang Philippine-based operation, ang ikalawa sa dalawang networks na engaged sa coordinated inauthentic behavior na layuning makipag-ugnayan sa mga Pilipino sa Southeast Asian region.

 

Habang ang unang network naman ay na-trace na pinapatakbo ng isang grupo ng mga indibiwal sa Fujian province sa China.

 

Ang mga pekeng accounts at pages, ayon kay Facebook head of security policy Nathaniel Gleicher, ay na-trace sa ilang indibidwal mula sa Fujian Province of China.

 

Kabilang sa binura ang mga hindi tunay na accounts at pages na sumusuporta sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa posibleng presidential bid ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

Sinabi ni Gleicher na nagpopost ng mga impormasyon sa mga pekeng Facebook pages at accounts sa wikang Chinese, Filipino at English. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Inter-regional routes ng mga provincial bus, pinayagan na muli ng LTFRB

    BUBUKSAN na muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng provincial bus para sa mga inter-regional na biyahe.     Nakasaad sa inilabas ng LTFRB na Memorandum Circular No. 2022-023, na lahat ng mga public utility bus operators na mayroong valid Certificate of Public Convenience (CPC), Provisional Authority (PA), at […]

  • Safer Internet Day: Globe, may webinar sa online child safety at protection

    PAGTITIPON-tipunin ng Globe ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar.     Naglalayon ito na mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksyon ng mga bata laban sa1 online sexual abuse at exploitation.     Ipagdiriwang ang annual Safer Internet Day, at ang Globe ay magho-host ng […]

  • Sara Duterte, nanumpa na bilang ika-15 na bise-presidente ng Pilipinas

    NANUMPA  na  si Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas sa  pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.     Nagbigay  ng maikling talumpati si  VP Sara at nanindigan sa kaniyang pagmamahal sa bayan.     “Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — […]