• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Exclusive interview, ia-upload before election… VICE GANDA, tinawag na susunod na Pangulo si VP LENI

ANG mga hari at reyna pa rin talaga ng Kapuso network ang unang nagpapabalik ng face-to-face presscon ng GMA Networks.

 

 

       Ang bagong sitcom at magsisilbing comeback ni Marian Rivera at the same time, comeback din ng team-up nila ni Dingdong na “Jose & Maria’s Bonggang Villa” ang unang f2f presscon ng GMA-7 talaga.

 

 

       Yes, meron na rin one or two pero all are small interview lang unlike this one. Dasurv naman bilang comeback nga nina Dong at Yan.

 

 

       Siyempre, much-awaited at much-anticipated talaga ang pagsasama nilang itong muli sa matagal na rin nilang wini-wish na sitcom. Matagal na nasabik ang mga DongYan fans na mapanood silang muli kaya sure na ang dami na talagang nag-aabang.

 

 

        ***

 

 

        WALANG-DUDA na mabilis at posibleng inihabol talaga ni Vice Ganda ang exclusive interview niya kay Vice President Leni Robredo na mai-upload niya sa kanyang YouTube account, ilang araw bago ang election sa May 9.

 

 

         Ipinakilala niya na talaga itong, “ang susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.”

 

 

        Hanga raw si Vice kung paano nabuhay muli ang volunteerism sa mga campaign rally ng Kakampink. Dahil naranasan nga niya ito ng dalawang beses na. Una sa Pasay.

 

 

      Sey niya, “Maganda ang vibes. Positibo ‘yung mga tao. Maraming mga tao talaga na pumupunta ro’n para boluntaryong magbigay ng suporta do’n sa mga makikinig at pupunta.”

 

 

       May mga kakilala rin daw siyang nagpunta sa rally sa Pasay at lahad pa ni Vice, “Late na, e. Grabe, ang lala. Para na talaga kayong magkakakilala. Kahit hindi mo kilala o alam ang pangalan o saan galing.”

 

 

       At sa kabisihan din naman ng schedule ngayon ni VP Leni, talagang naglaan ito ng oras sa interview nila ni Vice na naganap sa bonggang customized van ng Unkabogable Phenomenal Star.

 

 

        ***

 

 

       ANG Kapuso comedienne/actress na si Pokwang ay diretsahan nang nanawagan sa kanyang dalawang sinusuportahan ngayong election na sina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

 

 

       Ang panawagan nito, ipanalo na raw talaga nila ang laban ngayong election.  Inamin ni Pokwang na dahil na rin sa pagiging all-out supporter niya sa kampanya ng Kakampink, talagang todo na at bugbog na bugbog na raw siya sa mga pambabash na natatanggap.

 

 

        Na ultimo ang mga anak nila na walang kamuwang-muwang ay idinadamay sa mga panlalait at pang-aalipusta ng mga supporter naman ng kalabang partido.

 

 

        Sey ni Pokwang sa kantang tweet, “Ipanalo na natin ito ha mam @lenirobredoat sir @kikopangilinan

 

 

       “Sobrang bugbog na po kmi sa mga bashers  pero ok lang kahit anong hagupit nila basta yayakap ako ng mahigpit kay God kasi para sa kanila lahat ng ito, mura, lait pati mga anak na walang muang damay na.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

    PINILI ng apat na da­ting Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.     Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny […]

  • Badminton tournament sa Hong Kong muling kinansela sa ikatlong pagkakataon

    KINANSELA  ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19.     Ang nasabing torneo na gaganapin sa Nobyembre ay siyang pangatlong pagkakataon na ito ay ang kinansela.     Ang Super 500 tournament ay gaganapin sa Kowloon mula Nobyembre 8-13.     Ayon […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagpapalawig ng 2 pang linggo ng travel ban laban sa UK

    INAPRUBAHAN noong Disyembre 26 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na palawigin ng dalawa pang linggo ang travel ban laban sa United Kingdom (UK) pagkatapos ng Disyembre 31, 2020. Inaprubahan din ng Pangulo ang rekumendasyon ng Department of Health (DOH) para sa “strict mandatory 14-day quarantine” para sa […]