• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EXHIBITION FIGHT NINA HATTON AT BARRERA TULOY NA SA HUNYO

KINUMPIRMA ni retired boxing champion Ricky Hatton na ito ay magkakaroon ng exhibition match kay Marco Antonio Barrera.

 

 

Gaganapin aniya ang laban ng dalawa sa Hunyo 2 sa AO Arena sa Manchester, England.

 

 

Ang laban ay nakatakda sanang ganapin noong Pebrero subalit ito ay hindi natuloy.

 

 

Sa kanyang social media sinabi ni Hatton na wala ng makakapigil pa.

 

 

Ang 43 anyos na si Hatton ay nagwagi ng dalawang division na itinuturing bilang darling of British boxing world habang ang 48-anyos na si Barrera ay mayroong titulo sa tatlong division.

 

 

Ito rin ang unang beses na paglaban ni Hatton ng magretiro noong 2012 noong patumbahin siya ni Ukrainian boxer Vyacheslav Senchenko.

 

 

Habang si Barrera ay nakaharap sina Daniel Ponce de Leon at Jesus Soto Karass noong nakaraang taon.

 

 

Nakilala din siya sa mga showdown niya kay Erik Morales, Pacquiao, Juan Manuel Marquez at Naseem Hamed.

 

 

Mayroong 45 panalo, tatlong talo at 32 knockouts si Hatton sa kaniyang career habang si Barrera ay mayroong 67 panalo, pitong talo at 44 knockouts.

Other News
  • P102-B rehab ng NAIA, tengga sa mga isyu

    Naaantala ang P102 billion na proposal ng consortium ng pitong conglomerates upang sumailalim sa rehabilitation ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kailangan munang bigyan pansin ang mga issues na nauukol dito. Sa isang panayam kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kanyang sinabi na may dalawang issues ang hindi pa nareresolba ng consortium […]

  • Sen. Cayetano tumanggi na hatian sa dalawang panukala ang CREATE bill

    IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang corporate income tax reform bill dahil posible raw na pahinain nito ang Kongreso bilang isang institusyon.   Layunin kasi ng Corporate Recover and Tax Incetives for Enterprise (CREATE) bill na bawasan ang corporate income tax rate mula 30 percent ay gagawin itong 25 […]

  • Parak kalaboso sa carnapping at shabu sa Malabon

    SWAK sa kalaboso ang isang pulis matapos arestuhin ng kanyang mga kabaro makaraang i-reklamo ng pangangarnap ng motorsiklo at makuhanan pa ng shabu sa Malabon City.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Jomar Castillo, 32, PNP Member, nakatalaga sa Pasig City Police Sub-Station 2 at residente […]