Sen. Cayetano tumanggi na hatian sa dalawang panukala ang CREATE bill
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang corporate income tax reform bill dahil posible raw na pahinain nito ang Kongreso bilang isang institusyon.
Layunin kasi ng Corporate Recover and Tax Incetives for Enterprise (CREATE) bill na bawasan ang corporate income tax rate mula 30 percent ay gagawin itong 25 percent. Gayundin ang pag-rationlaize sa incentives na natatanggap ng mga kumpanya.
Ayon kay Drilon, kapag tinawag daw kasi na revenue measure ang naturang panukala ay magkakaroon ng kakayahan si Pangulong Rodrigo Duterte na i-line veto ito.
Pahihinain din aniya nito ang kapangyarihan ng Kongreso bilang co-equal branch ng gobyerno dahil lahat ng panukala na mayroong indikasyon ng “revenue aspect” ay maaaring mag- line items veto rito ang pangulo.
Sinubukan naman ng senador na pawiin ang pangamba ni Cayetano dahil patuloy pa rin nilang tatalakaying ang pagbabawas sa corpoate income tax rate at rationalization ng incentives ngunit bilang magkahiwalay na paksa.
“I think it can be forcefully argued that the rationalization of the fiscal incentive should not be a revenue measure and therefore the authority of the President on the line-item veto should not be existing,” wika ni Drilon.
Paliwanag ni Senate Ways and Means Committee Chairperson Pia Cayetano na ang rationalization ng incentives ay hindi maituturing na alien sa corporate income tax dahil ina-address nito ang tax leakages at pinapababa rin nito ang tax.
“In the early part of our interpellation, we emphasized the fact that this is foregone revenues. Thus, we need to rationalize because otherwise, these are tax revenues that are being exempted, not being collected, being given on a silver platter,” ani Cayetano.
Sa kabila nito bukas naman si Cayetano na patuloy na talakayin ang naturang paksa sa mga kapwa mambabatas.
-
COVID-19 vaccination para makakuha ng Christmas bonus, legal- Roque
SINABI ng Malakanyang na “legal” kung ire-require ang COVID-19 vaccination sa mga empleyado para makakuha ng kanilang Christmas bonus. Tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang polisiya ng Cebu City government na magbibigay ng P20,000 Christmas bonus sa bawat empleyado gaya ng inanunsyo ni Acting Mayor Michael Rama, kung saan dapat lamang ay fully […]
-
Courteney Cox Reveals When ’Scream 6’ Is Set To Begin Filming
COURTENEY Cox has revealed when Scream 6 is planned to begin filming. The actress recently returned to her iconic role as Gale Weathers with the debut of the 2022 iteration of Scream, which premiered earlier this year in January. Cox has appeared as Weathers in every installment of the franchise and is apparently already gearing up for the next one as well. […]
-
Mga Pinoy sa Cambodia ginawang crypto-scammer
IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang human trafficking sa ilang mga Filipino sa Cambodia para maging scammer ng cryptocurrency. Ito ang panibagong natuklasan ilang buwan lamang matapos na ibulgar din ni Hontiveros sa Senado ang kaparehong modus na bumibiktima sa mga Filipino sa Myanmar. Ayon sa senadora, ang mga Pilipino na […]