• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EXTENDED MECQ status sa NCR Plus hanggang Mayo 14.

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ang ekstensyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) classification sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula Mayo 1 hanggang Mayo 14, 2021.

 

Ang Lungsod ng Santiago at Quirino Province sa Region 2 at Abra sa Cordillera Administrative Region ay isinailalim din sa MECQ para naman sa buong buwan ng Mayo 2021.

 

Samantala, ang Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province sa CAR; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Tacloban City sa Region 8; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay isasaialim naman sa General Community Quarantine (GCQ) mula Mayo 1-31, 2021.

 

Ang lahat ng iba pang lugar ay isasailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) para sa buog buwan ng Mayo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang bagong community quarantine classification ay “subject to the appeals” ng local government units.

 

Ang bagong community quarantine classification na inaprubahan ng Pangulo batay na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Other News
  • Ads January 6, 2023

  • Fernando, hinakayat ang mga Bulakenyo na magparehistro at bumoto

    LUNGSOD NG MALOLOS– Hinikayat ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na magparehistro sa Voters’ Registration ng Commission on Elections na nagsimula noong Pebrero 15  hanggang Setyembre 30, 2021 upang makaboto sa darating na 2022 Presidential Election.     Bagaman hindi sapilitan ang pagboto, sinabi ni Fernando na isa itong tungkuling sibiko at mahalagang […]

  • Populasyon sa buong mundo, inaasahang papalo sa 8 billion ngayong taon – UN

    INAASAHANG  papalo sa 8 billion ang populasyon sa buong mundo sa Nobyembre 15 ng kasalukuyang taon.     Base sa forecast ng UN, ang India na ang bansa na may pinakamaraming populasyon sa buong daigdig na nalagpasan na ang China.     Ayon kay Secretary General Antonio Guterres na ang overall population milestaone na ito […]