• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

F1 driver Lance Stroll, ibinunyag ang pagpositibo sa COVID-19

IBINUNYAG ni Canadian Formula One driver Lance Stroll na ito ay nagpositibo sa coronavirus.

 

Nangyari aniya ito pagkatapos ng Eifel Grand Prix noong Oktubre 11.

 

Dahil aniya sa pangyayari ay hindi na ito nakasali sa karera sa Nueburgring kaya pinalitan siya ni Nico Hulkenberg ng Germany.

 

Dahil sa kaniyang paggaling ay pinayagan na ito ng makalahok sa Portugal ngayong darating na weekend.

 

Pangalawa si Stroll sa mga Formula One driver na nagpositibo sa coronavirus na ang una ay ang team mate nitong si Sergio Perez ng Mexico na dinapuan ng virus noong Agosto.

Other News
  • Pinas no. 3 sa SEA sa ‘vaccination rollout’

    Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kasalukuyang nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas sa Southeast Asia (SEA) sa ‘vaccination rollout’.     Sa datos ng NTF, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,623,093 doses na naibigay sa publiko mula nang mag-umpisa ang ‘vaccination’ nitong Marso 1 gamit ang […]

  • Mister kalaboso sa baril at shabu sa Caloocan

    ISINELDA ang 59-anyos na mister matapos matiyempuhan ng pulisya na may bitbit na improvised gun at makuhanan pa ng shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Sa tinanggap na report ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas mula sa Caloocan City Police Station, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality foot patrol ang […]

  • Pinas, pumangalawa sa Indonesia pagdating sa budget transparency sa Southeast Asia

    NASUNGKIT  ng Pilipinas ang ‘second highest score’ sa Southeast Asia para sa transparency ng budget documents sa 2021 Open Budget Survey.      Mula sa kabuuang  120 bansa na kabilang sa survey, pumuwesto ang Pilipinas sa pang-19, na may iskor na 68.     Sa Southeast Asia, ang Pilipinas ay ‘ranked second’ sa Indonesia.   […]