FACE SHIELD HINDI NA GAGAMITIN SA KAMPANYA AT ELECTION DAY
- Published on February 23, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI na kailangan na gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3 ayon sa New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec).
Pinaalalahanan din ng poll body nitong Lunes ang publiko na mahigpit na sundin ang mga karaniwang protocol bago, habang, at pagkatapos nilang lumahok sa mga botohan sa Mayo 9.
Para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1, sinabi ng Comelec na ang paggamit ng mga face shield ay boluntaryo, batay sa Memorandum ng Executive Secretary na may petsang 15 Nobyembre 2021, sa Protocols on the Use of Face Shields
Para sa mga botante na may temperaturang 37.5 degrees Celsius, dapat silang dalhin sa mga medical personnel na naka-deploy sa lugar ng botohan. Kung susuriin na may lagnat, maaaring pumunta ang mga botante sa Isolated Polling Places (IPP) para bumoto.
Hinihiling din sa publiko na obserbahan ang physical distancing ng hindi bababa sa isang metro.
Pagkatapos ay magpapatuloy sila sa Voters’ Assistance Desk upang makakuha ng presinto at sequence number; tumuloy sa lugar ng botohan; i-sanitize ang mga kamay sa sanitation station bago pumasok sa lugar ng botohan; ibigay ang kanilang numero ng presinto at sequence number at bumoto.
Samantala, ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ay nakiisa sa panawagan ng iba pang stakeholders para sa paghirang ng mga karampatang at tapat na kalalakihan at kababaihan sa tatlong bakanteng posisyon — Chairperson at dalawang Komisyoner — sa Comelec.
“The 2022 National and Local Elections are less than three months away, and will be conducted under extreme safety and health challenges; an open process will help reinforce public trust to the Comelec as an institution; a transparent appointment process, with focus on qualifications and suitability for the job, will help dispel concerns that the Comelec as a constitutional body will be composed of individuals that only come from the President’s hometown, or who are inside the President’s inner circle,” dagdag ng grupo
Sinabi ng Namfrel na bilang tagapangasiwa ng proseso ng halalan sa Pilipinas, “dapat palakasin ang Comelec, at dapat mag-imbita ng tiwala at paggalang ng sambayanang Pilipino.”
Sinabi nito sa pamamagitan ng pagtiyak na magiging bukas at transparent ang proseso ng appointment, mag-iiwan ang Pangulo ng pangmatagalang pamana ng isang malakas, independyente, at kapani-paniwalang Comelec.
Ang Comelec ay kasalukuyang binubuo nina acting chairperson Socorro Inting, Commissioners Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay. GENE ADSUARA
-
Kaya sinabihan na hilaw ang pagiging Kakampinks… VICE GANDA, kapansin-pansin ang ‘di pag-i-endorse kay Sen. KIKO
ISA si Vice Ganda na surprise guest sa NCR grand rally ni Vice President Leni Robredo na ginawa sa Pasay City noong Sabado. Birthday ni VP Leni that day kaya mas special ang pagtitipon ng mga Kakampinks para sa presidential aspirant. Pero ang napansin ng ibang dumalo sa rally ay ‘yung […]
-
DERRICK, first time nagpa-Pasko at magba-Bagong Taon sa Amerika kasabay ng pag-attend sa kasal ng ina
HALOS lahat na ng ka-batch ni Lexi Gonzales sa StarStruck 7 ay nagkaroon na ng regular na teleserye. Naghihintay na lang daw si Lexi sa pag-resume ng lock-in taping ng Love You Stranger sa January 2022. “Akala kasi nila ayokong mag-lock-in taping. Hindi po totoo ‘yon. May teleserye na sana kami […]
-
Ads November 27, 2021