• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.

Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.”

 

Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face mask at face shield para sigurado na nga naman! Yun dating “encouragement”o paghikayat na magsuot ng face shield ay mukhang naging “requirement”na.

 

Dahil dito ay namigay ng sariling gawang faceshield ang Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) at ‘Ang Bumbero’ng Pilipinas sa mga pasahero at manggagawa. Ilang LGU at NGO na rin ang sumunod at namigay na rin ng libreng face shields.

 

Samantala, inalis naman ng IATF ang polisiya na gumamit ng barrier sa mga family-used motorcycles kapag ang rider at naka-angkas ay ‘members of the samehousehold.

 

Matatandaang pinalagan natin ang polisiyang ito mula pa nung una.  Ito ang panukala noon pa ng LCSP!

 

Pero itinuloy pa rin ang nasabing polisiyang kaya imbes matuwa ay binatikos ito ng mga may-ari ng motorsiklo dahil sa gumastos na sila tapos babawiin rin pala.

 

Ganyan ang mga polisiyang hindi gaanong pinagaralan bago ipatupad.   Ang isa pang dapat alisin ay ang mga road barriers sa mga kalye. Mistulang mga pang-gyera ang mga ito na humaharang sa daloy ng trapiko.

 

Kung ang objective nito ay para walang makapasok na ibang tao o sasakyan ay hindi rin nangyayari dahil may nadadaanan din namang iba para makakapasok sa kalyeng sinarahan.

 

Piliin na lang talaga ang kalyeng dapat isara at huwag gawing pahirap sa mga residente at motorista ang mga barriers.  Ang curfew naman ay mananatili dahil sa nakatutulong din ito sa pagbaba ng krimen at umuuwi sa bahay ng maaga ang mga tao.

 

Maraming salamat sa mga sumusunod sa pagtulong sa paggawa at pamimigay ng libreng faceshields – ‘Ang Bumbero ng Pilipinas’ sa pangunguna ni Chairman Leninsky Bacud, Robert Garcia, Squidpay, Marvin dela Cruz at Riverforest Development Corporation at mga LCSP at ABP volunteers. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Alam ng mga anak kung paano i-push ang button: YAYO, madaling maiyak ‘pag napag-uusapan ang pamilya

    SA ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay isang single mother, si Selma, ang papel ng aktres na si Yayo Aguila.         Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel?         Lahad ni Yayo, “Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal […]

  • 15,331 kabataang Bulakenyo, tumanggap ng tulong pinansyal

    LUNGSOD NG MALOLOS – Hanggang Agosto 20, 2021, may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ang tumanggap ng kanilang scholarship grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program.     Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing iskolarsyip para sa 2020-2021 1st sem ay ang 3,707 […]

  • Pagtiyak ng DFA: New York hindi ‘dangerous city’ para sa mga Filipino

    TINIYAK ng  Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinong naninirahan at bumibyahe patungong New York City na hindi mapanganib ang nasabing lungsod.     Ang pahayag na ito ni DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose de Vega ay pagkatig sa sinabi ni Philippine Consul General in New York Elmer Cato na […]