Face shields nakakatulong vs COVID-19 transmission – PMA
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Napipigilan ng pagsusuot ng face shields ang pagkalat o hawaan ng COVID-19.
Ito ang pagtiyak ng Philippine Medical Association (PMA) kahapon.
“Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay, at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face masks at face shield,” ayon kay PMA president Dr. Benito Atienza sa isang panayam sa Dobol B TV.
Ginawa ni Atienza ang komento matapos na hilingin ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na huwag nang i-require ag pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar kundi gamitin na lamang ito sa pagtungo sa mga pagamutan.
Binanggit pa ng alkalde na ang Pilipinas na lamang umano ang nagre-require sa paggamit ng face shields kumpara sa ibang bansa.
Unang nang sinopla ni DOH Secretary Francisco Duque III na hindi pa napapanahon para huwag gamitin ang face shields dahil na rin sa mababa pa rin ang porsiyento nang nababakunahan sa bansa.
Tutol din dito ang DILG, maging si Infectious diseases expert Dr. Edsel Salvanan.
-
Listahan ng 4Ps, pina-update
BUNSOD na rin sa inaasahang libong benepisaryo ng 4Ps na kabilang sa mawawala sa susunod na taon (2025), hiniling ng mga mambabatas na mgkaroon ng update sa poverty mapping sa nasabing Pantawid Program. Sa House Resolution 2085 na inihain nina 4Ps Partylist Rep. JC Abalos at House Minority Leader Marcelino Libanan, nanawagan ang […]
-
DOTR, TESDA, inilunsad ang Tsuper Iskolar at Libreng Sakay sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagpasok sa lalawigan ng modernisasyon sa transportasyon, nagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang isagawa ang programang “Tsuper Iskolar Lecture and Launching of Libreng Sakay” para sa mga Bulakenyong tsuper at mga operator na ginanap sa […]
-
DBM, maghahanap ng paraan para pondohan ang P1,000 monthly pension para sa mga indigent seniors
MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na monthly social pension ng indigent senior citizens. Mula kasi sa P500 ay P1,000 na ang matatanggap ng mga ito. Ito’y sa kabila ng nasa ” tight fiscal position” ang gobyerno. “To be […]