Face-to-face classes, aarangkada na sa Hunyo
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ng Department of Education (DepEd) na pagsapit ng Hunyo 2022, ang lahat ng paaralan sa bansa ay nagdaraos na ng face-to-face classes, sa kabila ng nananatiling banta ng COVID-19 pandemic.
Sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang mga regional offices ay bubuo ng iba’t ibang pamamaraan, base sa assessment ng Department of Health (DOH) at mga local governments sa kanilang lugar.
“By June, which is already a few days away from now, sa next academic school year, ini-expect natin na fully 100% na talaga ‘yung pag-implement natin ng face-to-face classes,” ayon kay Briones.
Hanggang nitong Mayo 26, mahigit 34,000 o 73% na ng mga public schools ay handa sa face-to-face classes.
Pinayuhan na rin aniya ng DepEd ang mga private schools na mag-face-to-face classes na rin.
Samantala, sinabi naman ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na hinihikayat na ng DepEd sa ngayon ang lahat ng paaralan na mag-face-to-face classes na, na may limitadong bilang ng mga araw ng in-person meetings.
Ayon kay San Antonio, tinitingnan nila ang posibilidad ng pagkakaroon ng blended learning, na may ilang araw na face-to-face classes at may araw na papayagang sa bahay pa rin mag-aral at matuto ang mga bata.
Isusulong aniya ng DepEd ang naturang setup kung pahihintulutan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang ilang araw sa isang linggo para sa face-to-face classes.
Tiniyak naman ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na ikukonsidera pa rin nila ang pag-sang-ayon ng mga local government units (LGUs) at mga magulang sa pagdaraos ng in-person classes upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
May ilang paaralan naman aniya ang humihiling na pahintulutan na rin ang mas marami pang grade levels at mga estudyante na lumahok sa face-to-face classes. (Daris Jose)
-
NADINE, handog ang virtual concert para sa elderly gay community at mga drag artists
MAGHAHANDOG ng virtual concert para sa elderly gay community si Nadine Lustre na may titulong Nadine, Together With Us. Para rin daw ito maka-raise ng funds para sa mga drag artists na nawalan ng trabaho noong magkaroon ng pandemya. The online show will be streamed via the official TaskUs PH Facebook page on […]
-
Tsukii sumipa ng gold sa Cairo meet
Inangkin ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang gold medal matapos ungusan si Egyptian bet Areeg Rashed, 2-1, sa women’s kumite -50 kilogram division sa 2021 Karate1 Premier League sa Cairo. Isang matulis na suntok ang nailusot ni Tsukii sa natitirang anim na segundo para takasan si Rashed sa kanilang finals match. […]
-
ANIM NA DISTRICT HOSPITAL NG MANILA LGU NASA “RED FLAG” NA
HALOS okupado na ang anim na pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila . Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na baka hindi na nila ito kayanin ngunit tiniyak naman ng alkalde na agad nilang gagawan ng paraan ang nasabing sitwasyon upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangang ma-admit […]