• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face-to-face classes, depende kay PDu30 – Briones

Nanindigan si Education Secretary Leonor Briones na ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 ay tuloy sa August 24 kahit pa walang face-to-face instruction.

 

“We cannot go beyond that because of the requirements of a law that is not yet amended or repealed as of now,” paliwanag ni Briones sa online press briefing sa Oplan Balik Eskwela-Brigada Eskwela (OBE-BE).

 

Wala aniyang pagbabago sa schedule ng klase dahil sa naaprubahan na ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na inanunsyo ng DepEd at ni President Rodrigo Duterte.

 

“As of now, whether we will have face-to-face or no face-to-face, the date [of school opening] remains that it is still August 24.”

 

“We don’t want to go beyond the requirements of the law so it’s August 24 – with or without face-to-face,” dagdag pa nito.

 

“Ang President kasi ang nag-declare na walang face-to-face, so siya ang mag-aaral ng sitwasyon at patuloy na binibigyan namin siya ng impormasyon na kailangan niya .”

 

“Kung ano man ang desisyon, siya ang gagawa nung decision na iyan but the August 24 is still there – with or without face-to-face,” giit pa ni Briones.

 

Panatag naman si Briones na handa ang DepEd sa naturang pagbubukas.

 

“So far, we are still getting ready.”

 

“We’re doing everything but I think, you don’t reach a point that we can say that we are totally, completely ready because by the time that we’re able to respond to the needs, there will be emerging needs,” lahad ni Briones (Daris Jose)

Other News
  • Lolo na wanted sa rape, timbog sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang 67-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos madakma ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.           Sa kanyang report may Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nakatanggap […]

  • Ads September 30, 2021

  • LTO sa Metro Manila, Laguna, Bataan balik operasyon na

    Nagbabalik-operas­yon na simula Lunes, Agosto 23, ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR), Laguna at Bataan.     Ito, ayon sa LTO, ay kasunod na rin ng pagbababa na ng quarantine classification ng mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ.     Sinabi […]