• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face-to-face college classes simula na sa Enero 31

GAYA nang pinlano, nakatakdang magsimula ang limited face-to-face classes para sa higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa Pilipinas sa Enero 31.

 

 

“The date of the phase 2 of the implementation of limited face-to-face classes for all programs of HEIs in areas under Alert Level 3 should begin on 31 January 2022 (Monday),” ayon sa advisory ng CHED.

 

 

Sa phase 2, tinukoy ng CHED ang plano nito “as early as November 2021” na ang face-to-face classes sa HEIs ay itutuloy sa Alert Level 3 areas. Ang face-to-face classes sa mga lugar na mayroong mababang alert levels ay nagsimula na noong Disyembre 2021, kung saan ito’y phase 1 ng reopening plan ng CHED.

 

 

Ang muling pagbubukas ng klase ay hindi sapilitan sa mga kolehiyo at unibersidad. Maaaring ipagpatuloy ng school administrators ang kanilang  online classes  kung sa tingin ng mga ito ay mas makabubuti para sa kanilang mga estudyante.

 

 

“If they wish to hold face-to-face classes, schools must first comply with standards set by CHED for safe classes. For Alert Level 3 areas, HEIs must only allow a maximum of 30% indoor venue capacity, and 50% outdoor capacity for fully vaccinated individuals only. Unvaccinated students cannot join,” ayon sa CHED.

 

 

Gayunman, ang guidelines ay ginawa ng gobyerno ng Pilipinas bago pa manalasa ang nakahahawang Omicron variant sa bansa.

 

 

Noong panahon na iyon, ang gobyerno ay nahaharap lamang sa Delta variant ng virus. Ang Omicron ay “three to five times more infectious” kumpara sa Delta.

 

 

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naipalalabas ng CHED ang listahan ng mga eskuwelahan na nag-apply para sa reopening sa Alert Level 3 areas.

Other News
  • Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives

    NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.     Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, […]

  • PBBM, pinangunahan ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport

    PERSONAL na nagtungo sa Pampanga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon ng umaga para sa ilang aktibidad.     Pinangunahan ng Pangulo ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport sa Mabalacat City, lalawigan ng Pampanga.     Bukod sa talumpati ng presidente ay inaasahang bahagi din ng event ang gagawing walk through […]

  • Dahil walang pagkukulang sa mga kasambahay… RUFFA, pinagdidiinan pa rin na wala siyang inagrabyado

    HINDI alam ni Ruffa Gutierrez na magkakaroon siya bigla ng issue sa kasagsagan ng promo ng “Maid in Malacanang.”   Nabanggit pa nga sa kanya ni Direk Darryl Yap na may issue kay Ella Cruz at biniro pa siya ng director na baka bigla rin siya magkaroon ng issue.   True enough, idinadawit ang pangalan […]