‘Face unlock, fingerprint biometrics’ posibleng gawing requirements sa pagboto
- Published on March 11, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng gawing requirements sa mga susunod na eleksyon ang ‘face unlock at fingerprint biometric features’ para makaboto ang isang botante.
Inihayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia makaraang ipanukala ni Vice President Sara Duterte na isama ang naturang mga biometrics na mga security features ngayon sa mga cellular phones, sa eleksyon para makumpirma ang pagkakakilanlan ng isang botante at para maiwasan ang flying voters.
Sa kaniyang talumpati sa ikalawang araw ng Election Summit ng Comelec, sinabi Duterte na sa limang beses niyang paglahok sa halalan bilang kandidato, kinumpirma niya na totoo ang ‘flying voters’ sa Mindanao, kung saan nakakaboto ang mga botante ng Davao City sa siyudad sa umaga at sa ibang probinsya naman tuwing hapon. Kung magkakaroon umano ng mas mahigpit na seguridad sa pagtukoy ng pagkatao, maiiwasan ang naturang uri ng dayaan sa eleksyon.
“Hindi ito lingid sa kaalaman ng Comelec. Sa pagkuha ng bagong mga teknolohiya, posibleng isama dito ang biometrics technology dahil sayang naman ang database ng komisyon na nakukuha tuwing registration,” ayon kay Garcia.
Ipinaliwanag niya na tuwing magpaparehistro, kinukunan ng Comelec ng fingerprint at litrato ang isang nagpaparehistro na maaari nilang magamit kung sakaling makakakuha ng teknolohiya ukol dito.
Kinondena rin ni Duterte ang nangyayaring karahasan ngayon sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan tulad ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at nanawagan sa Comelec na bumuo ng mga polisiya para maiwasang mangyari ang mga ito.
Sumang-ayon naman si Garcia at sinabi na dapat mas maging maigting ang kanilang paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na kilalang mainit ang labanan ng mga lokal na kandidato. (Ara Romero)
-
RABIYA, baka umasa kung naging aware sa tsikang magiging leading lady ni JOHN LLOYD
NAGLULUKSA ang mga taga-Philippine television industry dahil sa biglang pagpanaw ng veteran television director na si Bert de Leon. Pumanaw si Direk Bert ngayong November 21 dahil sa kumplikasyon sanhi ng COVID-19. Kilala si Direk Bert sa mga TV shows na kanyang hinawakan at karamihan dito ay top-rating at tumatagal ng ilang taon […]
-
Nasungkit ni Meggie Ochoa ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa Jiu-Jitsu World Championship
Winalis ni Meggie Ochoa ang kompetisyon sa women’s adult -48 kilogram category patungo sa ginto sa 2022 JJIF Jiu-Jitsu World Championship sa United Arab Emirates noong Biyernes (oras sa Pilipinas). Nakuha ni Ochoa ang pinakamataas na premyo nang talunin si Vicky Hoang Ni Ni ng Canada sa final, 2-0. Ang 30-anyos na atleta […]
-
Key players may tsansa pa sa National Team
Magsisilbing basehan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference para punan ang nalalabing slots sa national team. Ayon kay women’s national team head coach Odjie Mamon, may ilang slots pa itong kailangan sa koponan kabilang na ang libero, setter at outside hitter positions. “We definitely […]